‘Bago ang Maguindanao, may Luisita’; Pagmasaker ng militar sa manggagawa ng Luisita, tinuligsa sa piket sa DND
Related posts
- Caravan ng isang libo patungong Luisita sa Lunes Lupa at katarungan para sa mabubukid ng Luisita! – Anakpawis
- Pagbasura sa Assumption of Jurisdiction, hakbang tungong hustisya sa Luisita
- Anakpawis, nangakong igiit ang katarungan sa Luisita, ibasura ang Assumption of Jurisdiction
- KMU sa presidentiables: Katarungan para sa biktima ng martial law ni Gloria
- Noynoy, sinungaling sa Luisita massacre – KMU
Bago ang masaker sa Maguindanao, naganap ang pagmasaker sa pitong nagwelgang manggagawang bukid sa Hacienda Luisita noong Nob. 16, 2004 – parehong kasong nag-iwan ng dugo sa mga kamay ni Gloria Arroyo.
Sabi ng KMU, ang brutal na pagbuwag sa mga magbubukid ng pinagsamang pwersa ng militar at pulisya sa lupaing pag-aari ng mga Cojuangco sa Tarlac ay “mahalagang kaso ng karapatang pantao na nagpapakita ng climate of impunity sa ilalim ni Arroyo, na lalo pang pinatampok ng karumal-dumal na pagmasaker sa 57 katao.”
“Palatandaan ang pagkabigo ng gobyernong Arroyo na maggawad ng katarungan sa mga biktima ng Hacienda Luisita massacre sa kung gaano ka-bagal maigagawad ang katarungan sa mga biktima ng Maguindanao massacre. Paano naman aandar ang katarungan kung may kinalaman ang gobyerno sa parehong kaso?” tanong ni Roger Soluta, secretary general ng KMU.
Sa isang piket sa Department of National Defense, sinamahan ng KMU ang mga aktibista ng Central Luzon sa pagkondena sa marahas na pagbuwag ng mga armadong pwersa sa mga manggagawa ng Luisita at sa pagpanawagan ng katarungan para sa lahat ng biktima ng mga pagpaslang na dulot ng estado.
“Dahil sikat na kaso ito ng direktang pagkakasangkot ng militar, naging pagsubok ang Luisita sa kapasyahang pampulitika ni Arroyo para iutos ang pagkaso at pagpaparusa sa mga pwersa ng gobyerno. Malinaw na bagsak siya sa pagsubok na ito, dahil malaya pa rin ang mga salarin limang taon matapos ang krimen, habang nakatalaga pa rin ang mga sundalo sa Luisita,” dagdag niya.
Sabi pa ni Soluta, mga elemento ng Armed Forces of the Philippines ang nagpakawala ng putok sa pagbuwag sa Luisita. Ang Assumption of Jurisdiction (AJ) order naman ng DOLE ang nagbigay rito ng lisensya na pumunta roon. Samantala, napatunayan ang pananagutan ng gobyerno sa Maguindanao massacre sa pagkakatuklas ng daan-daang armas at bala na galing sa DND at sa AFP.
“Kinokondena namin ang mersenaryong hukbong sandatahan sa pagiging pangunahing utusan ng rehimen sa pagpapatupad ng masaker sa Luisita at iba pang matinding atake sa batayang mga karapatan ng mga mamamayan,” sabi ni Soluta.
“Habang ginugunita natin ang mga kasama natin sa Luisita, pinapaalala rin natin sa hukbong sandatahan ang matinding pananagutan nito sa iba pang kaso ng pagpatay, panghaharas at pananakot sa mga kritiko ng gobyerno. Pwedeng makaiwas sila sa mga kaso sa korte, pero hinding-hindi nila maiiwasan ang galit ng mga mamamayan.
“Gusto rin naming paalalahanan si Arroyo na igigiit ng mga manggagawa at mamamayan ang katarungan para sa kanyang mga biktima sa pamamagitan ng pagpapakulong sa kanya. Alam ng mga tao na kailangan ang pagkaso at pagpaparusa kay Arroyo dahil sa di-mabilang niyang mga krimen laban sa mga mamamayan,” dagdag ni Soluta. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 17 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed