Pinakamalaki: Caravan sa Luisita, tagumpay
Related posts
- Caravan ng isang libo patungong Luisita sa Lunes Lupa at katarungan para sa mabubukid ng Luisita! – Anakpawis
- Anakpawis, nangakong igiit ang katarungan sa Luisita, ibasura ang Assumption of Jurisdiction
- KMU kay Noynoy: Nasaan na ang pangako mo?
- KMU: Nasaan ang katarungang panlipunan sa pagbebenta ng Luisita?
- Tatlong araw bago ang deadline sa magsasaka; Obrero, hinamon uli si Noynoy: Aksyon sa Luisita, ngayon na!
Malakas at historikong tagumpay.
Ganito inilarawan ngayon ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ang caravan patungong Hacienda Luisita sa Tarlac na ginawa nito kasama ang ibang makabayang organisasyon nitong Nob. 16. Ayon dito, ang nasabing caravan “ang pinakamalaking nailunsad ng mga progresibong organisasyon sa National Capital Region sa nakaraang mga taon.”
Noong Lunes ang ikalimang anibersaryo ng masaker, na ginawa sa welga ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa hacienda noong Nobyembre 2004 na pumatay sa pito at sumugat sa marami pang iba. Para gunitain ang masaker, inilunsad ang caravan para igiit ng “Lupa at katarungan para sa mga mamamayan ng Hacienda Luisita.”
Kung ihahambing sa caravan noong 1990 patungong Gitnang Luzon laban sa mga base-militar ng US at noong 1996, papuntang Gitnang Luzon ulit, para naman iprotesta ang Asia-Pacific Economic Cooperation Summit, ito na ang pinakamalaki,” sabi ni Joselito “Lito” Ustarez, executive vice president ng KMU.
“Kakatapos lang ng aming assessment at iyan ang sinasabi ng mga datos,” dagdag niya.
Sabi ni Ustarez, nalagpasan ng caravan ang target nitong magdala ng 2,000 katao sa hacienda para sa okasyon. “Mahigit 100 sasakyan, karamihan ay dyip, ang sinakyan namin, na pawang may dala ng mga panawagan namin sa isyu. Nagawa naming ihatid ang mensahe namin sa publiko at mga mamamayan ng Luisita – na tuloy ang laban para sa lupa at katarungan.”
Sa kabila nito, sinabi ng KMU na ang pinaka-nakakapagpaligayang patunay ng tagumpay ng caravan ay walang iba kundi ang reaksyon ng mga mamamayan ng Luisita. “Sa kabila ng patuloy na pagsupil at pagharas, sa kabila ng gastos sa byahe na mahal para sa kanila, at sa kabila ng napakatinding sikat ng araw, mahigit isang libong katao galing Luisita ang sumalubong sa amin,” sabi ni Ustarez.
“Nasa unahan ng hanay nila ang mga pamilya ng mga biktima ng masaker. Kahit saan sa hacienda kami magpunta, itinataas ng mga tao ang mga kamao para makiisa, kumakaway at ngumingiti sila sa amin, at nag-aalok ng kanilang bahay sa mga lumahok sa caravan. Nakita namin ang mga tao, bata man o matanda, na tuwang-tuwa,” dagdag ni Ustarez.
“Noong lumilibot na kami sa mga barangay sa hacienda, nagsimulang sumigaw ang ilang lumahok sa caravan na nakasakay sa dyip. Sasabihin nila, “Cojuangco!” Sumasagot naman ang mga taong sumasalubong sa amin ng “Berdugo!” May malalim na pagkakaisang nabuo sa paglaban para sa isang layunin limang taon matapos ang masaker,” sabi niya.
Sabi pa ng lider-manggagawa, bukod sa lupa at katarungan, panawagan din ng KMU at iba pang progresibong organisasyon na ibasura ang deadline para sa pagpapalayas na ipinataw sa mga magsasaka ng manedsment ng Luisita.
“Isa ang deadline ng manedsment sa mga dahilan kung bakit naging kagyat muli ang halaga ng isyung ito – taliwas sa mga haka-hakang bahagi lang ito ng pamumulitika para sa eleksyon,” sabi ni Ustarez.
Iniulat din ni Ustarez na nag-oorganisa ang mga grupo ng magsasaka sa Tarlac at Gitnang Luzon ng caravan patungong NCR ngayong unang linggo ng Disyembre. “Irerehistro nila ang lehitimong mga panawagan nila dito mismo sa Metro Manila. Gusto nilang ipresyur pa ang pamilya Aquino at rehimeng Arroyo na hanggang ngayon ay nagbibingi-bingaihan sa mga panawagan nila.” ###
Add comment
Recent comments
- The group is doing the right
13 hours 40 min ago - I couldn't agree. If the
13 hours 44 min ago - The result I guess, wasn't
13 hours 50 min ago - These companies can't even
13 hours 53 min ago - Nice post. It is good to know
13 hours 57 min ago - There is so much work that
14 hours 41 sec ago - The Oil Deregulation Law is
17 hours 14 min ago - Instead of increasing their
17 hours 14 min ago - Well he should. Can't he
17 hours 42 min ago - The government is good at
17 hours 43 min ago
Most discussed