Pagbasura sa Assumption of Jurisdiction, hakbang tungong hustisya sa Luisita
Related posts
- Lisensya sa masaker sa Luisita: KMU, muling nanawagang ibasura ang Assumption of Jurisdiction
- Anakpawis, nangakong igiit ang katarungan sa Luisita, ibasura ang Assumption of Jurisdiction
- Pagsagip ng DOLE sa babuyan ni Lucio Tan sa pamamagitan ng AJ, tinuligsa ng KMU
- De facto martial law ni Gloria, impyerno sa manggagawa
- Caravan ng isang libo patungong Luisita sa Lunes Lupa at katarungan para sa mabubukid ng Luisita! – Anakpawis
Isang hakbang para sa katarungan ang pagbasura sa bantog na Assumption of Jurisdiction (AJ) ng DOLE para sa pitong nagwelgang manggagawang bukid sa Hacienda Luisita na pinaslang sa marahas na pag-atake ng militar halos limang taon na ang nakakaraan.
Sabi ng KMU, ang kautusan para sa AJ ni dating DOLE secretary Patricia Sto. Tomas, na tugon sa welga ng mga manggagawa sa tubuhan at asukarera, ang nagsilbing “license to kill” ng mga militar at pulis na brutal na bumuwag sa welga noong Nob. 16, 2004.
“Bagamat hindi mabubura ng pagbasura sa AJ ang masaker sa Luisita sa kasaysayan, kongkretong hakbang pa rin ito para sa katarungan para sa mga biktima ng marahas na pagpapatupad sa kautusan ng ng DOLE secretary,” sabi ni Joselito “Lito” Ustarez, executive vice president ng KMU.
Nagwelga ang mga magsasaka at manggagawang bukid ng taong iyun para iprotesta ang P9.50 na take-home pay at iligal na pagtanggal sa mahigit 300 manggagawa.
“Makikita talaga na lehitimong nagwelga ang mga magbubukid ng Luisita para igiit ang lehitimong mga karaingan nila noong pinagbabaril sila. Ang AJ ang dahilan kung bakit naging posible ang inhustisyang ito, at pwede pa ngang ipagtanggol sa batas. Tingnan mo, hanggang ngayon, wala pang napaparusahang maysala,” sabi ni Ustarez.
Sabi ng lider-manggagawa, salot sa manggagawang Pinoy ang pagpataw ng AJ sa welga o alitan sa paggawa. “Ang nangyari sa Luisita ang pinakamalinaw na larawan ng matinding pinsalang dulot ng AJ sa manggagawa. Nagpadala ng mga militar at maging tangke para supilin ang welga,” sabi ni Ustarez.
“Sa loob ng maraming taon, todo-todong ginamit ang AJ para atakehin ang mga welga at hadlangan ang mga ito. Dahil mahalaga ang karapatang magwelga para maipaglaban ng mga manggagawa ang kanilang mga karaingan, isang atake rin ang AJ sa lehitimong mga panawagan ng mga manggagawa para sa mas mataas na sahod, halimbawa,” dagdag ni Ustarez.
Sabi ng KMU, ipinataw na rin ang AJ sa mga lugar ng paggawa na hindi pwedeng sabihing napakahalaga sa pambansang interes, taliwas sa sabi ng batas. Ayon sa artikulo 263 (g) ng Labor Code, may kapangyarihan ang DOLE secretary na mag-assume ng jurisdiction sa mga welgang pang-industriyang “napakahalaga sa pambansang interes.”
“Napakahalaga ba sa pambansang interes ng mga retail stores, halimbawa? Kasi maliit man o malaking retail store, may kaso nang pinatawan ng AJ,” sabi ni Ustarez.
“Mas masahol, ipinapataw na ang AJ kahit kakasampa lang ng unyon ng notice of strike o nagkaroon lang ng deadlock sa negosasyon para sa CBA,” dagdag ni Ustarez.
“Ang puno’t dulo,” sabi ni Ustarez, “ay nakadepende ang lahat-lahat sa pagpapasya ng DOLE secretary. Ayon sa mga abogado namin, sapat nang nagpasya ang DOLE secretary para magawa niyang durugin ang mga piket at welga gamit ang AJ at para maging ligal ito.
“Habang may pagpapanggap pa ang pasistang diktadurang Marcos na ang sinusupil lang nito ay ang pagkilos ng mga manggagawa sa mga industriyang ‘estratehiko’ at ‘napakahalaga sa pambansang interes,’ wala kahit ganyang pagpapanggap ang kasalukuyang batas,” dagdag ni Ustarez. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 17 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed