Lisensya sa masaker sa Luisita: KMU, muling nanawagang ibasura ang Assumption of Jurisdiction
Related posts
- Pagbasura sa Assumption of Jurisdiction, hakbang tungong hustisya sa Luisita
- Pagsagip ng DOLE sa babuyan ni Lucio Tan sa pamamagitan ng AJ, tinuligsa ng KMU
- Caravan ng isang libo patungong Luisita sa Lunes Lupa at katarungan para sa mabubukid ng Luisita! – Anakpawis
- Anakpawis, nangakong igiit ang katarungan sa Luisita, ibasura ang Assumption of Jurisdiction
- Pinakamalaki: Caravan sa Luisita, tagumpay
Most discussed
Isang linggo bago ang ikalimang anibersaryo ng pagmasaker noong 2004 sa mga nagwelgang magbubukid sa Hacienda Luisita, muling nanawagan ang sentrong unyong Kilusang Mayo Uno para ibasura ang kapangyarihan ng Labor secretary na maglabas ng Assumption of Jurisdiction order o AJ. Ayon dito, nagsilbing lisensya ang AJ para magpaputok ang militar sa mga wegista.
Noong Nobyembre 16, 2004, pinaputukan ng militar ang mga nagwelgang magbubukid sa Hacienda Luisita sa Tarlac, at napatay ang pito habang maraming iba pa ang nasugatan. Bago nito, naglabas si dating Department of Labor Secretary Patricia Sto. Tomas ng AJ -- bilang pagkuha sa kapangyarihang makialam sa welga at pahintulutan ang pagpasok ng militar rito.
"Malinaw na ipinapakita ng nangyari sa Hacienda Luisita ang kayang gawin ng AJ sa isang welga. Nagsilbing lisensya ang AJ sa pagmasaker sa mga welgista doon. Pumapatay ito sa mga manggaawa, bukod pa sa iginugupo nito ang paglaban ng mga manggagawa para sa makatarungang mga panawagan. Dapat itong kagyat na ibasura," sabi ni Joselito "Lito" Ustarez,
executive vice-president ng KMU.
Sinabi rin ng lider-manggagawa na bukod sa atake ang AJ sa karapatang magwelga ng mga manggagawa, atake rin ito sa mga panawagang pang-ekonomiya ng mga manggagawa. "Dahil ang welga ang pinakamahalagang armas ng mga manggagawa sa paglaban sa aming mga panawagang pang-ekonomiya -- para sa nakakabuhay na sahod o wastong benepisyo, halimbawa. Gusto ng mga kapitalista na tanggapin lang namin ang lagay namin," sabi ni Ustarez.
Sabi pa niya, makapangyarihang armas ang AJ ng gobyerno at mga kapitalista para durugin ang mga welga dahil kasama nito ang matitinding parusa sa mga manggagawa. "Kung hindi ka susunod sa return to work order na kasama ng AJ, pwede kang ihabla ng manedsment, tapos tanggalin na ang mga itinuturing nitong hindi kanais-nais sa mga manggagawa."
Ayon sa Article 263 (g) ng Labor Code, may kapangyarihan ang DOLE secretary para mag-AJ sa mga welgang industrial na itinuturing na "napakahalaga para sa pambansang interes." Puna ng KMU, gayunman, na ginamit ng mga DOLE secretary ang AJ nang walang pakundangan, patunay na kagamitan ng mga kapitalista at gobyerno ito para mang-abuso.
"Batay sa mga kasong pinatawan ng AJ, pwedeng sabihing ginawa talaga ang probisyong ito para abusuhin. Mula sa malalaking retail stores tulad ng ShoeMart hanggang sa maliliit tulad ng Liana's, halimbawa, gayundin sa ibang industriyang hindi mo maituring na 'napakahalaga sa pambansang interes' -- lahat ng ito, pinatawan ng AJ tuwing may nagbabantang welga," sabi niya.
Ang masahol, sabi ni Ustarez, ipinapataw ang AJ kahit bago pa man mag-welga ang mga manggagawa. "Naka-monitor kami ng mga kaso kung saan ipinataw ang AJ pagkatapos ng deadlock sa collective bargaining negotiations sa pagitan ng labor at manedsment. Mayroon ding mga kaso na ipinataw ito pagkatapos magsampa pa lang ng notice of strike ng mga manggagawa."
Bilang tugon sa mga usap-usapang pwedeng mabili ang AJ "sa tamang presyo at koneksyo," sinabi ni Ustarez na "Posible iyan. Tutal naman, kahit ano, pwede mong makuha sa gobyernong ito kapag tama ang bayad mo. Kung totoo nga ito, maluhong trabaho pala ang maging DOLE secretary. Yumaman siguro ang mga dating Labor secretary pagkatapos ng ilang panahon sa katungkulang iyan."
Add comment
Recent comments
- PUP will feel the brunt of
12 hours 52 min ago - Of course the investors
12 hours 53 min ago - The prosecution panel were
14 hours 6 min ago - It is very obvious that the
14 hours 6 min ago - I agree of this. Kudos to all
16 hours 14 min ago - It is good to know that we
16 hours 16 min ago - Though it seems like they
16 hours 19 min ago - A proper strategy that will
16 hours 23 min ago - I agree with this article.
16 hours 27 min ago - However, it was clear enough
16 hours 29 min ago
#1 Gobyerno man ay gahaman pa
Gobyerno man ay gahaman pa rin sa aspetong pinansyal..sa linyang possible iyan kapag tama ang byad..lahat pala ay pwedeng bayaran upang makuha ang isang bagay bastat magbabayad ka lng d ata tama yan..ang mhihirap ay tuluyang nalunod sa kahirapan at mga mayayaman ay ay patuloy sa pagpapayaman tama na sobra na mag opisyales na na me ugaling kaba boyan ay dapat palitan....