Skip to main content

KMU, Anakpawis kay Gloria, malalaking kumpanya ng langis: Tigilan na ang drama, huwag magkakamaling itaas uli ang presyo

Tinuligsa ng Kilusang Mayo Uno at Anakpawis Partylist ang palabas na “isinasadula” ng malalaking kumpanya ng langis at ni Gloria hinggil sa pagpigil umano sa pagtaas ng presyo ng langis, lalo’t nagparamdam na naman ang mga kumpanya ngayon na nais nilang magtaas ng P4.50 kada litro.

Flop na drama

 “Tigilan na ang flop na teleseryeng ‘yan. Kailan pa naging magkaaway ang mga kumikita ng supertubo sa overpricing sa langis, at ang kumikita rin nang malaki sa EVAT na ipinapataw dito?” hirit ni KMU Secretary General Roger Soluta.

“At para namang may nagawa talaga ang EO 839 na pinag-aawayan kuno nila, wala pa ngang isang buwan itong epektibo, wala pang isang buwang hindi nahahagupit ng pagtaas ng presyo ng langis ang mamamayan – anlaki-aking ginhawa nito di ba?

“Kung akala ni Gloria na may nakukumbinsi at natutuwa sa pinalalabas niyang pang-aawat sa kapwa niya ganid na mga korporasyon ng langis, nakakasuka at lalong nakakapang-init lang ng ulo ito sa aming mga manggagawa,” ani Soluta.

Ipinataw ang EO 839 noong Okt. 23 sa Luzon para panatilihin ang presyo ng langis sa Okt. 15 na halaga nito hangga’t hindi pinawawalang-bisa ang EO para umano magbigay ng ginhawa sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng.

Palusot para sa mas malaking pagsirit ng presyo

“Huwag na huwag nilang ituloy ang balak nilang bagyuhin uli ang mamamayan nang halos limang pisong pagtaas ng presyo ng langis. Kung tingin nila’y makukumbinsi ang taumbayan na kinakailangan na nga ang muling pagtataas ng presyo matapos ang nakakarindi na nilang mga paliwanag na nagipit sila nang husto sa pagpataw ng EO, nagkakamali sila,” banta ni Soluta.

“Kung sinasabi nilang kelangan na nilang bumawi sa ilang sandali pa lang ng ‘oil price freeze kuno,’ pwes ang masasabi namin ay kami ang maraming pang dapat bawiin sa inyo sa matagal nyo nang overpricing at pagkontrol sa presyo ng petrolyo.”

Sinanggunian ng KMU at Anakpawis ang pag-aaral ng Bagong Alyansang Makabayan na nagpapakitang overpriced ng P5.81 ang presyo ng langis batay sa galaw ng Dubai crude bago pa ang dumating ang bagyong Ondoy.

“Sa huli’t huli, ang magtaas nang presyo naman talaga ang gusto nilang maging resulta ng kanilang drama. Pero sa bawat pagsirit nila sa presyo, sisisgabo rin ang aming protesta at pagigiit ng pagbababasura sa Oil Deregulation Law sa pangunahin bilang konkretong solusyon sa di makataong pagpepresyo sa langis,” ani Soluta. #

Reference Person: 
Roger Soluta, KMU Secretary Genera
Contact information: 
0916-607-5574

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments