Con-Con, time bomb na pakana ni Arroyo
Related posts
- Hakbanging Con-Con para sa Cha-Cha ni Gloria, kinondena ng KMU
- Masamang biro: Arroyo bilang VP o House Speaker; Patuloy na kontrol sa gobyerno ang habol ni Arroyo
- Bonifacio, Radikal na Pagbabago ang Gusto – KMU
- Martial Law sa Maguindanao, hakbang sa whitewash – KMU
- Pahabol na pagluklok ng gobernador na maka-Gloria: May maitim na balak pa rin si Gloria -- KMU
Sa harap ng panibagong tulak para sa Constitutional Convention (Con-Con), nagbabala ang Kilusang Mayo Uno ngayon na nagtatanim ng time bomb ang mga alyado ni Gloria Arroyo sa Kongreso para tiyakin ang plano niyang maging prime minister pagdating ng Oktubre 2010.
Gayunman, sinabi ng KMU na mababalewala ang House Bill 6975, na nananawagan ng eleksyon para sa mga delegado ng Con-Con, dahil naghahanda ang bansa sa eleksyong 2010. Taliwas daw ang pagtalakay sa mga pagbabago sa Saligang Batas ilang buwan bago ang eleksyon sa kagustuhan ng mga mamamayan para sa kagyat na pagpalit sa rehimen.
“Pwede ring mabalewala ng Con-Con na inihahanda ng mga alyado ni Arroyo ang resulta ng darating na eleksyon, dahil lilikhain nito ang sistemang parlamentaryo kung saan magiging punong ministro si Arroyo at simbolikong lider na lang ang pangulo. Pero hindi ito papayagan ng mga mamamayan,” sabi ni Joselito “Lito” Ustarez, executive vice president ng KMU.
“Ang kagyat na pagpapalit sa tiwaling rehimeng Arroyo ang pagbabagong gusto ng mga manggagawa at mamamayan ngayon, hindi ang Charter change ni Arroyo sa pamamagitan ng Con-Con o ano pa mang pakana,” dagdag ni Ustarez.
Paliwanag ni Ustarez, tugma ang tulak para sa Con-Con, na gustong ilunsad ng panukalang batas sa Oktubre 2010, sa pagtakbo ni Arroyo para maging kongresista. Aniya, pwedeng maging daan ang paglipat sa parlamentaryong porma ng gobyerno para sa pangarap ni Arroyo na maging prime minister.
“Malinaw kasi na matatalo ang mga kandidato ng administrasyon sa eleksyon dahil ayaw na talaga ng mga tao sa tiwali at di-makataong pamumuno ni Gloria. Kaya naman desperado ang gobyernong itulak ang Con-Con bilang fallback para hindi makasuhan at maparusahan si Arroyo,” sabi ni Ustarez.
Ipinaliwanag din ng KMU ang motibo ng mga kongresistang nagtulak sa Con-Con. “Siguro, gusto ng kapita-pitagang mga kongresista na palakihin ang pondo nila sa eleksyon. Magkano na naman iyan? Magkano ang ibinabayad para sumipsip kay Gloria ngayong patapos na ang rehimen niya?” tanong ni Ustarez.
Sabi niya, walang ipinag-iba ang pag-amyenda sa Konstitusyon pagkatapos ng eleksyon sa pamamagitan ng Con-Con sa pag-amyenda rito bago ang eleksyon sa pamamagitan ng Con-Ass, dahil pareho namang pagpapahaba sa paghahari ni Arroyo lampas 2010 ang layunin.
“Hindi makukumbinsi ng mga alyado ni Arroyo na katiwa-tiwala at kailangang hakbangin ang Con-Con para amyendahan ang Saligang Batas. Paano nga naman, eh tiwaling rehimen ang nagtutulak nito?” tanong ni Ustarez.
Sabi pa ng KMU, handa ang mga manggagawa na muling maglunsad ng malalaking protesta tulad ng ginawa sa Con-Ass kung itutuloy ng Kongreso ang pag-apruba sa Con-Con. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 17 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed