Wage freeze, kalupitan sa manggagawa – KMU
Related posts
- Giit ng KMU: Kagyat na aksyon ng gobyerno para pigilan ang marami pang tanggalan
- ECOP, AmCham: sinungaling, ganid sa tubo –KMU
- KMU sa P22 dagdag-sahod sa NCR: masyadong kaunti, huli
- Dahil sa patuloy na tanggalan at maling patakaran: Paglago ng GDP, walang kwenta
- KMU sa Ecop: May tanggalan kahit walang dagdag-sahod
Tinuligsa ng Kilusang Mayo Uno ang anunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na walang dagdag-sahod ngayon taon. Sabi nito, pinoprotektahan na naman ng DOLE ang tubo ng kapitalista, hindi ang interes ng manggagawa.
Ibinatay ng DOLE ang anunsyo sa pag-aaral ng National Wages and Productivity Commission (NWCP) na nagsasabing hindi pa lubusang nakakabangon ang bansa sa pandaigdigang krisis at magdudulot lang ang dagdag-sahod ng tanggalan.
“Isa na namang malupit na pahayag ng DOLE,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, KMU chairperson. “Kailan ang tamang panahon para sa dagdag-sahod? Hindi pa tapos ang krisis. Sabi ng mga eksperto, maraming taon pa ito. Baka nga raw hindi pa natin nararanasan ang buong epekto nito,” dagdag niya.
Dahil sa “masama” nang rekord ng gobyernong Arroyo sa pagtataas ng sahod, nagtaka si Labog kung bakit kailangan pang mag-anunsyo ng ganito.
“Gusto ng rehimeng Arroyo na sawatain ang paglaganap ng panawagan na magkaroon ng dagdag-sahod. Alam nitong kailangan ng manggaagawa ng dagdag-sahod dahil sa mga kalamidad at pagtaas ng presyo ng bilihin. Alam nitong nag-iisip na ang manggagawa ng preparasyon para sa Pasko at Bagong Taon,” sabi ni Labog.
Sabi ng KMU, posible ang dagdag-sahod kahit krisis. “Dambuhala pa rin ang tubo ng malalaking kapitalista kahit krisis. Pwede pa rin silang magtaas ng sahod – kung makukumbinsi, o mapupwersa, silang itaguyod ang katarungang panlipunan at makipasan sa bigat ng krisis,” sabi ni Labog.
“Pero hindi alam ang mga konseptong ito ng malalaking kapitalista, ng DOLE at rehimen. Huhuthutan nila ang mga tao hanggang kaya nila. Gusto nilang ipapasan sa tao ang buong bigat hanggang mamatay tayo – tulad ng ipinapakita ng pagtaas ng presyo ng langis at tangkang magpataw ng bagong buwis,” dagdag niya.
Tinuligsa rin ng lider-obrero ang sabi ng NWPC na nakatutok ang gobyerno sa “pagpapanatili ng trabaho.” “Talaga? May nailigtas na ba itong kahit isang manggagawa sa tanggalan? Matagal na naming panawagan ang aksyon ng gobyerno para sa proteksyon ng obrero, pero walang tugon ang gobyerno,” sabi ni Labog.
Inisa-isa niya ang mga kumpanya kung saan nanganganib matanggal ang mga manggagawa. “Sa North Harbor pa lang, 5,000 ang nanganganib matanggal. Sa Pfizer at Wyeth, 3,000. Sa Oriental Tin Can, 1,700. May mga natanggal na sa Triumph, KFC at Goodyear. Ano’ng nagawa ng gobyerno? Wala,” sabi niya.
“Dahil sa anunsyong ito, lalong pinapatatag ng DOLE ang reputasyon nito sa mga manggagawa at mamamayan. Matagal na namin itong tinatawag na ‘Department of Labor Exploitation’,” dagdag ni Labog. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 17 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed