Skip to main content

Party-lists ni Gloria i-disqualify, hindi ang Migrante

Sa pagmamadali nitong paikliin ang opisyal na balota para sa eleksyong 2010, diniskwalipika ng Comelec ang Migrante Sectoral Party-list at 25 iba pang grupo.

Diniskwalipika ang Migrante dahil nabigo itong makakuha ng 2% ng botong party-list noong eleksyong 2004 at nagpasyang hindi tumakbo sa eleksyong 2007 para magpokus sa pagpapalakas sa organisasyon. Kung titingnan mula sa pananaw na matapat sa pagtinging dapat magkaroon ng kinatawan ang mga grupong marginalized sa kongreso, makatwiran ang ginawa ng Migrante.

Ngayon matapos mapagpasyahan ng Migrante na sapat na ang lakas nito para sumabak sa eleksyong 2010, nagpasya naman ang Comelec na i-delist ito – at sa gayo’y tanggalan ang grupo ng pangalang pinaghirapan nitong ipundar at ipakilala sa mga miyembro nito at sa publiko.

Ano ang mensahe? Na ang kinikilala lang ng sistemang party-list ay ang mga grupong malakas na agad para manalo sa una o ikalawa sa dalawang magkasunod na eleksyon? Pabor ang ganitong pag-iisip sa mga grupong suportado ng mayayaman at makapangyarihan, nang tinatapakan ang mga grupo, tulad ng Migrante, na tunay na kumakatawan sa mga marginalized.

Nakasama namin ang Migrante sa maraming laban. Alam naming tunay nitong kinakatawan ang mga migranteng Pinoy – silang marami sa bilang, pinupuri sa retorika ng gobyerno, mahalaga sa ekonomiya ng bansa, pero marginalized pagdating sa pulitika.

Kung gusto ng Comelec na maging matapat sa diwa ng sistemang party-list at paiikliin pa rin ang opisyal na balota para sa darating na eleksyon, dapat i-disqualify nito ang mga party-list ni Gloria na hindi talaga pwedeng sabihing kumakatawan sa mga marginalized: Bantay (kinatawan: Jovito Palparan), ANAD (Jun Alcover), Kasangga (Maria Lourdes Arroyo), at iba pa.

Reference Person: 
Elmer “Bong” Labog, KMU Chairperson
Contact information: 
0929-629-3234

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments