KMU sa DTI: Manufacturers at wholesalers ang puntiryahin nyo, wag maliliit na isda
Error
Related posts
- KMU, Anakpawis kay Gloria, malalaking kumpanya ng langis: Tigilan na ang drama, huwag magkakamaling itaas uli ang presyo
- Kailangan: P20,000 calamity assistance – KMU
- Patrabahong emergency, bitag sa kahirapan – KMU
- KMU kay Gloria: Walang nasasalbang buhay ang pahayag ng simpatya; ‘Sibakin si Gibo sa NDCC’
- Wage freeze, kalupitan sa manggagawa – KMU
Most discussed
Pinansyal na tulong, mas kelangan pa rin rin kesa suspensyon ng loans
Inudyok ng Kilusang Mayo Uno ang Department of Trade and Industry na hulihin ang mga tunay na maysala sa pagtataasan ng presyo ng mga bilihin matapos manalasa ang mga bagyong Ondoy at Pepeng.
“Pinalalabas ng DTI na nangangalaga ito sa kapakanan ng mga mamimili sa pamamagitan ng pagbabantay sa presyo ng mga manininda sa palengke at maliliit na retailers. Pero ano namang magagawa ng mga maliliit na isdang 'to, kung silang mga malalaking manufacturer at wholesaler ang nagtataas ng presyo?” ani KMU Chairperson Elmer “Bong” Labog.
“Sa halip na puntiryahin ang mga maliliit na manininda’t negosyante para magmukang ginagawa nila’ng trabaho nila, iyong mga malalaking kumpanya ang dapat nilang tugisin. Ang mga ito ang totoong nagdidikta sa galaw ng presyo sa merkado,” dagdag ni Labog.
Di sapat na suspensyon ng SSS loans
Hindi rin kuntento si Labog sa isa pang hakbang ng gobyerno na isuspinde ang pagbabayad sa SSS loans nang isang taon, dahil higit na malaki pa ang kailangang ipundar at ibangon ng maraming nasalanta nina Ondoy at Pepeng.
“Makakagagaan nga nang konti sa mga myembro ng SSS ang pagsuspinde sa pagbabayad ng loan, pero direktang pinansyal na tulong pa rin ang mas kailangan ng marami sa panahong ito ng trahedya," ani Labog.
“Isa pa, maraming biktima ang hindi naman saklaw ng SSS dahil kontraktwal o iregular ang trabaho nila. Pinagkakaitan sila ng social security at mga legal na proteksyon ng kanilang mga amo.”
Tinuligsa din ni Labog ang mga kung anu-anong tugon ng rehimeng Arroyo sa pinsala ng bagyo bilang labu-labo at pakitang-gilas. “Ngayong matatapos na dapat ang termino niya, nagpa-panik ang administrasyong Gloria na magmukang nasa kontrol at nakakatugon sa hinaing ng mamamayan sa panahon ng sakuna. Pero hindi pa rin naman ito nagpapatupad ng mga sistematiko at pang-matagalang solusyon.” #
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
6 days 1 hour ago - The past employee who started
1 week 28 min ago - Inseparabile Doudoune Moncler
1 week 4 hours ago - Responsabile di global
1 week 2 days ago - Takahashi precedentemente
1 week 2 days ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
#1 katanga ninyooooooo
katanga ninyooooooo