KMU kay Noynoy: Nasaan na ang pangako mo?
Related posts
- Tatlong araw bago ang deadline sa magsasaka; Obrero, hinamon uli si Noynoy: Aksyon sa Luisita, ngayon na!
- Ulit ng KMU: Noynoy, dinggin ang daing ng magsasaka ng Luisita
- Noynoy: Ilinaw ang Tindig, sa Magsasaka Pumanig
- Kontra-magsasaka ang desisyon ng Korte Suprema! Sumama sa protesta sa Hulyo 22!
- Lupa ng Hacienda Luisita, ipamahagi sa magsasaka – ngayon na!
Kulang-kulang isang buwan bago ang ikalimang anibersaryo ng masaker sa Hacienda Luisita, kalahating buwan bago ang deadline na ibinigay ng Hacienda Luisita Incorporated sa mga magsasaka na bakantehin ang mga lupa ng hacienda, at kahit nahaharap ngayon ang bansa sa banta ng isa na namang bagyo, gusto naming tanungin si presidentiable Noynoy Aquino at kanyang pamilya: Nasaan na ang pangako mo?
Matapos ang limang taon, wala pa ring katarungan para sa mga biktima ng masaker noong Nobyembre 16, 2004 laban sa mga nagwelgang magsasaka at manggagawang bukid sa hacienda – kahit pa malinaw na itinuturo ng ebidensya ang pananagutan ng pamilya Cojuangco, Armed Forces of the Philippines, dating Labor Sec. Patricia Sto. Tomas, at Gng. Gloria Macapagal-Arroyo mismo.
Matapos ang matinding tunggalian kaugnay ng pag-aari ng lupa, napag-arian ng mga magsasaka ang 2,000 sa 6,000 ektarya ng hacienda. Naglabas ang HLI, gayunman, ng memorandum noong Disyembre 2008 na nag-uutos sa mga magsasakang lisanin ang bahagi ng lupang sinasaka nila pagdating ng Oktubre 30, 2009. May bagyo rin, samakatwid, na namumuo ngayon sa hacienda.
Ang totoo, nabahala kami sa pahayag noon ni Sen. Noynoy, matapos niyang ideklarang tatakbo siyang presidente, na ibebenta niya at ng mga kapatid niya ang bahagi nila sa hacienda. Hindi niya inilinaw kung kanino nila planong magbenta. Mas mahalaga, malinaw na ang tingin niya sa hakbangin ay aksyon ng negosyante, hindi mapagkalingang hakbangin para sa katarungang panlipunan.
Ginagamit ni Sen. Noynoy ang mga islogan tulad ng “pagbabago” at “sakripisyo para sa bayan” sa kanyang kampanya. Pagsubok sa mga islogang ito ang isyu ng Hacienda Luisita. Kaya ba niya talagang tumindig laban sa mga interes ng kanyang pamilya at uri, sa rehimeng Arroyo, at kahit sa mga taong katrabaho niya ngayon sa kampanya, nang pabor sa mga magsasaka at manggagawang bukid?
Nababahala kami na ang campaign manager ni Sen. Noynoy ay si dating Cong. Florencio “Butch” Abad, dating punong tagapagpatupad ng pekeng reporma sa lupa ng gobyerno, at tumatakbo namang senador sa tiket niya si Akbayan Rep. Risa Baraquel, tagapagsulong ng “nireporma” umanong bersyon ng nasabing programa.
Inuulit namin ang panawagan namin kay Noynoy: Makialam sa usapin ng lupa sa Hacienda Luisita nang pabor sa mga magsasaka at maggagawang bukid – ngayon. Pigilan ang pagpapalayas sa mga magsasaka at manggagawang bukid. Ipamahagi ang Hacienda Luisita sa mga nagsasaka nito. Isulong ang katarungan para sa mga minasaker noong 2004 sa welga ng mga magsasaka at manggagawang bukid.
Ito ang isang pagbabago, sakripisyo para sa bayan, na gustong makita ngayon ng sambayanan. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 12 hours ago - maam / sir
2 weeks 17 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 17 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 17 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed