Skip to main content

KMU kay Gloria: Walang nasasalbang buhay ang pahayag ng simpatya; ‘Sibakin si Gibo sa NDCC’

Dapat patunayan, at hindi lang ideklara, ni Gng. Arroyo ang simpatya niya para sa mga biktima ng mga bagyong “Ondoy” at “Pepeng.” Higit sa pagtulong sa mga kababayan nating lumikas sa mga mapanganib na lugar, dapat gumawa at magpatupad ang pamahalaan ng mga patakarang magbibigay ng kongkretong kagyat at matagalang tulong sa mga biktima ng bagyo.

Sa halip na magpataw lang ng moratorium sa pagbabayad ng utang sa SSS at GSIS, dapat magpasok ang gobyerno ng pondo sa mga ahensyang ito para makapagbigay sila sa mga miyembrong apektado ng bagyo ng P20,000 direktang tulong. Kailangan ng mga manggagawa ng pera para magkaroon ng batayang pangangailangang nawala noong bagyo at para makapagpaayos ng bahay. Maraming pondo ang gobyerno at kaya nitong magbigay ng higit pa sa pautang.

Sa halip na itulak ang mga residenteng maralitang lungsod na nakatira ngayon sa mga evacuation center na bumalik sa kanilang probinsya (na iniwan nila dahil sa kawalan ng lupa at trabaho at sa militarisasyon) o lumipat sa mga inaayawang relocation site (na malayo sa kabuhayan nila at madalas na mapanganib sa kanila), dapat magbigay ang gobyerno ng abot-kaya at ligtas na bahay sa mga maralita sa loob ng Metro Manila.

Hindi dapat magtangka ang gobyernong Arroyo na pigilan ang mga talakayan sa publiko tungkol sa mga bagyo, sa epekto nila at sa tugon ng gobyerno. Hindi dapat “sorry-now-sin-later” ang assessment ng gobyerno niya, katulad ng talumpating “I…am…sorry” niya kaugnay ng kontrobersyang Hello Garci. Dapat may mga opisyal ng gobyernong matanggal sa pwesto o masampahan ng kaso dahil sa kriminal na kapabayaang nasaksihan ng mga mamamayan.    '

Si Sek. Gilbert Teodoro, halimbawa – dahil mas malaking disaster pa sa kalamidad ang disaster response na isinagawa niya bilang pinuno ng National Disaster Coordinating Council. Ipinakita niya ang pamumunong walang-pakialam at inepektibo, na siya ring palatandaan ng amo niyang si Gloria. Ayaw na namin sa mga gimik sa publisidad at pangako niya. Gusto naming matanggal na siya sa NDCC ngayon. ###

Reference Person: 
Elmer "Bong" Labog, KMU Chairperson
Contact information: 
0929-629-3234

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments