Skip to main content

'Balik-probinsya' – Balik sa kawalang-trabaho at kawalang-lupa

Matapos maitaboy ng bagyo ang mga kababayan nating maralita, muling nakaisip ang rehimeng Arroyo ng baluktot na programang dalhin ang mga maralitang nakatira sa Metro Manila sa mga probinsya. Ganoon ba iyun? Ang problema lang ba talaga ng mahihirap ay wala silang pamasahe para sumakay ng bus? May mas seryosong dahilan ang mga kababayan nating maralita sa pagtahan sa delikadong mga lugar sa Kamaynilaan.

Una sa lahat, naitaboy ang maralita nating mga kababayan sa mga probinsya ng kawalang-lupa, kawalang-trabaho at militarisasyon. Tumungo rin sila sa Metro Manila dahil sa paniniwala – na hinikayat din ng gobyerno – na maraming pagkakataong makapagtrabaho rito, na makakaraos ang mahihirap basta magbabanat sila ng buto at hindi maging tamad.

Ngayon, sinasabi ng mga opisyal ng gobyerno, katulad ni Gob. Ben Evardone ng Eastern Samar, na pwede nang manatili at mabuhay ang mga maralita sa mga probinsya sa tulong ng maliit ba inisyal na tulong pampinansya ng lokal na pamahalaan at ng pagbabanat ng buto. Sa tingin namin, mahirap paniwalaan ito. Halos pareho lang ang mga probinsya at Metro Manila sa kakayahang magbugay ng oportunidad na makapagtrabaho sa mga maralita nating kababayan.

Bagamat hindi nilulutas ng programang pagbabalik-probinsya ang suliranin ng mahihirap nating kababayan, pagagaanin nito ang ilang problema ng gobyerno. Aaalisin nito ang mga maralita sa abot-tanaw ng gobyerno, ng nakatataas at panggitnang uring nagrereklamo tungkol sa kanila, at ng midya. Papatahimikin nito ang panawagan nila para sa disente at abot-kayang pabahay, kabuhayan at serbisyong panlipunan.

Dapat direktang harapin ng gobyerno ang problema. Dapat nitong bigyan ang mga tinatawag nitong squatters ng disente  at abot-kayang pabahay, gayundin ng iba pang oportunidad sa kabuhayan. Hindi malulutas ang suliranin ng mahihirap ng pagtataboy sa kanila sa mga lugar na hindi sila makikita o maririnig. Hindi maglalaho ang mga problema nila, at hindi rin sila maglalaho sa ganitong hakbangin. ###

Reference Person: 
Elmer “Bong” Labog, KMU Chairperson
Contact information: 
0929-629-3234

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments