Skip to main content

‘Kahit kalamidad, hindi makaawat sa pagkaganid ng kartel’ – KMU

Hindi isinama ng Shell at Seaoil ang mga probinsya ng Hilagang Luzon sa 25-sentimo-kada-litrong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw, Lunes, para hindi sila magmukhang insensitibo sa lagay ng mga mamamayan matapos salantain ng mga bagyong “Ondoy” at “Pepeng” ang bansa.

Pero parang kolorete lang ito sa mukha ng naaagnas na bangkay. Pinipilit nitong pagtakpan ang hindi na kayang itago: Na kahit ang mga kalamidad, hindi makaawat sa walang kabusugang pagkaganid sa tubo ng kartel sa langis.

Hindi pa nakuntento sa pagpapanatiling overpriced ang mga produktong petrolyo, ginagawang palusot ng kartel sa langis ang bawat maliit na pagbabago ng presyo sa pandaigdigang pamilihan para “mag-adjust” umano ng presyo. Hindi sila mapigilang magtaas ng presyo kahit makita nila ang mahihirap na mamamayang lalong sinalanta ng pinagsamang natural na kalamidad at kriminal na kapabayaan ng gobyerno.

Lalong ipinapakita ng mga aksyon ng mga kumpanya ng langis sa gitna ng matinding paghihirap ng sambayanang Pilipino na hindi tayo pwedeng umasa sa kanila, at sa habag nila na hindi naman natin makita, para magbigay sa atin ng mga produktong petrolyong may makatwirang presyo.

Kailangan nating kagyat na ibasura ang Oil Deregulation Law at isabansa ang industriya ng langis. Hindi ito kusang gagawin ng gobyerno; kailangang ipaglaban nating mga mamamayang Pilipino ang mga panawagang ito. Kailangan nating makibaka para tapusin ang walang-pusong pagpapalaki ng tubo ng malupit na kartel sa langis.

Reference Person: 
Elmer "Bong" Labog, KMU Chairperson
Contact information: 
0929-629-3234

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments