Skip to main content

Text tax, patikim pa lang – KMU

Nagbabala ang militanteng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno na ang panukalang text tax ay “patikim pa lang” dahil sa pandaigdigang krisis sa pinansya at ekonomiya, at sinabi nitong sa halip na magpataw ng bagong buwis sa mga manggagawa at mamamayan, dapat bawasan ng rehimeng Arroyo ang tax holiday ng malalaking negosyo.

“Patikim pa lang iyan,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU, bilang reaksyon sa pagpasa sa komite ng House of Representatives sa panukalang bagong buwis.

“Dahil sa pandaigdigang krisis, lumiliit ang pautang sa mga bansang tulad ng Pilipinas na nakaasa rito. Kaya pinepresyur ng mga institusyong pampinansya ang gobyerno na magpataw ng mga bagong buwis para patuloy na makabayad sa utang panlabas,” paliwanag ng lider-manggagawa.

“Paraan iyan ng mga elite sa mundo at bansa para ipasa ang bigat ng krisis sa mga manggagawa at mamamayan, iyang pagpataw ng bagong mga buwis,” dagdag ni Labog. Ginamit niyang halimbawa niya ang “panukala” ng World Bank na palakihin ang buwis sa mga produktong petrolyo.

Sabi pa ng lider-manggagawa, sa pagmamadali ng rehimeng Arroyo na sumunod sa utos ng mga institusyong pampinansya, nabibigyan nito ng kamulatan ang mga tao – nang hindi sinasadya – tungkol sa klase ng mga kontra-mamamayang hakbanging ihinahanda nito bilang tugon sa krisis.

“Ang gandang panggising sa mga manggagawa at mamamayan na makialam at kumilos! Halos lahat kasi nagte-text na ngayon. Itutulak kami nitong maging mas mapagbantay sa mga kontra-manggagawa at kontra-mamamayang hakbangin ng rehimen at maging mas militante sa paglaban dito,” sabi ni Labog, na nangakong lalabanan ang panukalang buwis.

Tax holidays, tanggalin

Sabi ng lider-manggagawa, dapat bawasan o tanggalin ng gobyerno ang tax holiday na ibinibigay sa malalaking negosyo, sa halip na magpataw ng mga bagong buwis.

Batay sa isang pag-aaral ng isang propesor sa Unibersidad ng Pilipinas na lumabas noong 2007, sinabi ni Labog na “Tinatayang P47 bilyong koleksyon taun-taon ang nawawala dahil sa salot na tax holiday na ito.”

“Habang atat na atat ang rehimen na pigain ang sambayanan sa pagpataw ng mga bagong buwis, hindi man lang nito makibo ang dambuhalang tubo ng malalaking negosyanteng dayuhan at Pinoy. Hindi ito makatarungan,” sabi ni Labog. ###

Reference Person: 
Elmer "Bong" Labog, KMU Chairperson
Contact information: 
0929-629-3234

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments