Sa pag-init ng ulo sa maralita: Noli, dapat mag-sorry
Related posts
- Ayaw mag-sorry ni Noli? Sorry na lang siya!
- 'Balik-probinsya' – Balik sa kawalang-trabaho at kawalang-lupa
- Kondenahin ang Marahas na Pagbuwag sa mga Drayber at May-ari ng Kuliglig!
- KMU kay Gloria: Bagong bahay para sa maralita, itayo na
- KMU kay Gloria: Walang nasasalbang buhay ang pahayag ng simpatya; ‘Sibakin si Gibo sa NDCC’
Hindi magandang tingnan: ipinakita na sa wakas ni VP Noli de Castro na boses siya kontra-maralita. Sinakyan niya ang pagiging popular na TV anchor noon para magpakilalang “boses ng bayan.” Noong maupo siyang bise-presidente, naging boses siya ng rehimeng Arroyo. Ngayon, ito. Mukhang nahawaan na siya ng pagtatrabaho sa kontra-maralitang rehimen, kasama ang mga katulad nina Bayani Fernando na hari ng demolisyon. Winawasak niya ang natitirang tsansa niya sa darating na halalan.
Maraming naghihinalang uminit ang ulo niya dahil kinulit siya ng mga kaibigan sa midya tungkol sa plano niya sa halalang 2010. Una, hindi siya dapat magalit sa atensyon ng midya. Dapat nga, may plano na siya ngayon. Hindi magandang katangian ng isang pangulo ang kawalang-tindig. Pangalawa, bakit naman ang maralita ang napagdiskitahan niya? Porke ba hindi mukhang kasing-makapangyarihan ng midya ang mga maralita, hindi na nila matatandaan ang mga tirada ni Noli at hindi na sila mahalaga sa mga eleksyon?
Pangatlo, sobrang bastos ito. Bakit siya nagbanta ng pagpapalayas sa mga maralita? Ipinapakita lang nito kung gaano ka-insensitibo si Kabayan sa lagay ng mahihirap nating kababayan. Matapos lumikas papunta sa mga lungsod para maghanap ng trabaho at matapos hindi makakita, lagi nang nahaharap sa mga banta ng demolisyon ang mga kababayan nating maralitang tagalungsod. Sobra na para sa kanila ang marinig pa ang ganitong banta mula sa bise-presidente ng bansa. Hindi ito malilimutan ng mga manggagawa at maralitang tagalungsod. ###
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 10 hours ago - maam / sir
2 weeks 15 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 15 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 15 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed