Proteksyon sa nanganganib matanggal, rebyu ng kaso ng mga tinanggal, giniit ng KMU sa DOLE
Related posts
- Giit ng KMU: Kagyat na aksyon ng gobyerno para pigilan ang marami pang tanggalan
- mula sa grupong STK (Samahan Laban sa Tanggalan at Kontraktwalisasyon):
- Wage freeze, kalupitan sa manggagawa – KMU
- Pinatay na kabuhayan, ipagluluksa ng obrero ngayong undas
- 400 manggagawa, lumusob sa opisina ng Wyeth, 15 araw bago ang pagsanib sa Pfizer
Sumugod sa DOLE ngayong umaga ang mga manggagawang tinanggal at nanganganib matanggal para igiit sa gobyerno ang proteksyong dapat na ibinibigay nito sa seguridad sa trabaho ng mga manggagawa.
“Puro yabang si Gloria sa paglaki ng GDP at pagbangon daw ng ekonomiya sa gitna ng krisis. Pero ang nakakabawi lang naman talaga, ang mga katropa niyang malalaking negosyante – pinagsasamantalahan ang krisis para lalong baratin ang mga manggagawa at magkamal ng kita,” ani Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno.
“Kapag magtatanggal ng manggagawa ang malalaking negosyante, walang kapalag-palag ang gobyerno. Kahit naglalakihan naman ang kita ng mga kumpanyang nagsasabing nalulugi o nagko-cost cutting kaya nagtatanggal.
“Iyon namang mga biglang nagdedeklara ng pagsasara, magbubukas din naman pala ng panibagong planta sa ibang probinsya o bansa. Iyong mga kumpanyang nagme-merge para maging bagong kumpanya, biglang magtatanggal at mababago na rin ang lahat ng manggagawa. Iyong mga institusyon at pasilidad na pag-aari ng gobyerno, kapag ibinenta na sa negosyante, matatanggal din ang mga manggagawa para makakuha ng mga bago at mas babarating manggagawa ang negosyante.”
Sa harap ng DOLE, ihinilera ng KMU at Anakpawis Partylist ang mga maskara ng mga mukha ng tanggalan, mga kadalasang ginagamit na palusot ng malalaking kumpanya: cost-cutting, pagkalugi, merger, buy-out, biglaang pagsara, at pribatisasyon.
Hiningi ng KMU ang masusing pagrebyu ng gobyerno sa lahat ng kaso ng mga natanggal na manggagawa, dahil marami rito ang gawa-gawa lang ang dahilan.
Inihapag din ng KMU sa DOLE ang ilang kaso ng nakaambang malaking tanggalan: 5,000 manggagawa sa pribatisasyon ng North Harbor; 3,000 sa merger ng Pfizer at Wyeth; 8,000 sa cost-cutting ng PAL.
“Proteksyon sa seguridad sa trabaho ang kailangan ng mga nanganganib matatanggal – bagay na dapat lang ay ibinibigay ng gobyerno, hindi iyong bulsa lagi ng kapitalista ang pinoproteksyunan nila,” ani Labog.
Inaasahan ng KMU ang paglala pa ng mga tanggalan at mga iskemang ganito dahil sa nalalapit na pulong ng G-20, na dinodomina ng Estados Unidos at siyang nagpapakana ng mga iskemang sumasalanta sa kabuhayan ng mga manggagawa at mamamayan sa daigdig.
“Alam naming hindi sila basta-basta pepreno sa pagsasamantala at pagtatanggal sa amin sa trabaho. Kaya naman lalo kaming aarangkada sa pagpoprotesta,” ani Labog. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 10 hours ago - maam / sir
2 weeks 15 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 15 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 15 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed