Pakikiramay ng KMU sa mga nasalanta ng bagyo
Error
Related posts
- 'Balik-probinsya' – Balik sa kawalang-trabaho at kawalang-lupa
- KMU kay Gloria: Bagong bahay para sa maralita, itayo na
- Sa pag-init ng ulo sa maralita: Noli, dapat mag-sorry
- KMU kay Gloria: Walang nasasalbang buhay ang pahayag ng simpatya; ‘Sibakin si Gibo sa NDCC’
- Itigil ang Demolisyon sa Sitio San Roque! Suportahan ang mga maralitang lungsod!
Ipinaaabot ng Kilusang Mayo Uno ang pakikiramay nito sa lahat ng napahamak at nasalanta ngayong bagyo. Sa panahon ng mga ganitong sakuna, tayo pa ring mga maralita ang unang nagiging biktima.
Walang tahanan, walang sapat na sahod para makapagpagawa ng matibay na bahay, walang natamasang batayang serbisyo mula sa gobyerno, walang natamong nakabubuhay na kabuhayan mula sa pagsasamantala ng mga malalaking negosyante – ang ganitong kalagayan ng mga manggagawa’t maralita ay lalong tumitingkad sa panahon ng sakuna.
Maraming construction at development project ang isinasagawa tuwing malapit na ang eleksyon. Ngunit nakita natin ngayon kung sinong bulsa lang ang nakinabang mula rito. May nakalaan dapat na pondo mula sa kaban ng bayan para sa mga panahon ng sakuna, ngunit gutom at nagkakasakit na ang maraming maralita sa kanilang mga bubong, hindi pa rin dumarating sa kanila ang tulong.
Hindi natural na pangyayari lang ang nagpahamak sa marami nating kababayan, sabihin pa nating pinakamataas na rainfall ang naranasan ngayon ng Kamaynilaan sa kasaysayan. Ang abnormalidad ng klima ay binunga ng pagsasamantala ng malalaking negosyante sa likas na yaman ng mundo. Silang nagwasak ng ating kapaligiran ay sila ring nagwasak ng ating mga kabuhayan. Sila ang dahilan kung bakit nagmamalupit ang kalikasan, at sila rin ang may dahilan kung bakit hindi makaligtas dito ang marami nating kababayan.
Ang pambansang opisina mismo ng KMU ay nakaranas ng matinding pagkawasak ng kagamitan dahil sa bagyo sa kauna-unahang pagkakataon. Nakikipag-ugnayan kami ngayon sa iba’t ibang grupo para magsagawa ng mga proyektong makakatulong sa ating lahat.
Kung may napatunayan din ang ganitong sakuna, ito’y ang kahandaan ng mga mamamayan na magkaisa para iligtas mula sa kapahamakan ang bawat isa. Sama-samang pagkilos pa rin ang ating sandata. #
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
5 days 19 hours ago - The past employee who started
6 days 18 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
6 days 22 hours ago - Responsabile di global
1 week 1 day ago - Takahashi precedentemente
1 week 1 day ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed