US troops, panganib sa kapayapaan at kabuhayan – KMU
Related posts
- KMU sa presidentiables: Katarungan para sa biktima ng martial law ni Gloria
- Tangka ng DOLE na pagmukhaing maliit ang atake sa mga unyon, katawa-tawa
- Sa kabila ng pagtanggal sa martial law, Pasko, balisa pa rin
- De facto martial law ni Gloria, impyerno sa manggagawa
- Martial Law sa Maguindanao, hakbang sa whitewash – KMU
Sasahol ang lagay ng kapayapaan at kabuhayan sa bansa dahil sa walang taning na pananatili ng mga tropang US, sabi ng anti-imperyalistang Kilusang Mayo Uno. Sabi nito, dahil hindi sila saklaw ng batas at ipinagtanggol pa ng Malakanyang ang desisyon ng Pentagon, lalo silang naging walang pananagutan sa batas.
Sinabi rin ng sentrong unyon na lalo namang nagiging bulnerable ang mga Pinoy sa karahasan ng militar at sa paglabag sa karapatang pantao.
“Ipinapakita ng rekord ng militar ng US, lalo na sa mga bansang Third World, na sinanay itong umabuso at lumabag sa karapatang pantao, bukod pa sa paglulunsad ng lihim na mga operasyong militar,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.
“Andami nang paglabag sa karapatang pantao tuwing may Balikatan. Gusto pa ba nating madagdagan ito?” sabi ni Labog.
Bukod sa mga abusong naiulat, binanggit niya ang kaso ni Rafaela Polborido, isang taon at apat na buwang gulang, na namatay noong binomba ng 901st Brigade ng militar ang dalawang bahay sa Barangay Balanac, Ligao City, Albay noong Pebrero 18 – sa clearing operations nito para sa Balikatan. Anim na batang may edad 10 buwan hanggang siyam na taon, at tatlong babae, ang malubhang nasugatan.
“Siguradong hindi titigil ang ganyang mga hakbanging terorista habang narito ang mga tropang US,” sabi ni Labog.
Sa Bicol, sa paghahanda ng militar sa Balikatan, libu-libong pamilya ang napalayas, natakot ang mga magsasaka at mangingisda na magtrabaho, nagpataw ng curfew ang militar at binalaan nito ang mga mamamayan na huwag sumama sa mga protesta.
Paliwanag ni Labog, gustung-gusto ng US na isulong ang mga interes nito sa pulitika at ekonomiya ngayon, dahil sa matinding krisis.
“Tandaan nating laging kasama ang pagpapalakas sa militar at panggegera sa mga tugon ng US sa krisis. Patunay rito ang dalawang digmaang pandaigdig,” sabi niya.
Babala ng KMU, bahagi ng maluhong paggastos sa militar ng US ang mas pinaigting na operasyon ng mga tropa nito sa Gitnang Silangan at Hilagang Korea.
“Ito ang dahilan kung bakit ganito ang US, nagdedeklara ng patakaran sa ibang bansa kasabwat ang mga papet nilang rehimen,” dagdag ni Labog. #
Add comment
Recent comments
- The group is doing the right
13 hours 12 min ago - I couldn't agree. If the
13 hours 16 min ago - The result I guess, wasn't
13 hours 22 min ago - These companies can't even
13 hours 25 min ago - Nice post. It is good to know
13 hours 29 min ago - There is so much work that
13 hours 33 min ago - The Oil Deregulation Law is
16 hours 46 min ago - Instead of increasing their
16 hours 46 min ago - Well he should. Can't he
17 hours 14 min ago - The government is good at
17 hours 15 min ago
Most discussed