Skip to main content

Manggagawa ng Wyeth, hihirit uli ng piket bukas! 3,000 manggagawa, nanganganib na matanggal

Muling magpipiket-protesta bukas ang mga manggagawa ng Wyeth Philippines dahil sa patuloy na pananahimik ng manedsment tungkol sa banta ng malawakang tanggalan kaugnay ng pagbili rito ng Pfizer.

Sa pamumuno ng Wyeth Philippines Progressive Workers Union (WPPWU), nagpiket ang halos 200 manggagawang pawang nakasuot ng pula kahapon sa main office ng kumpanya sa Makati City para igiit ang seguridad sa trabaho at pagkilala sa unyon. Di bababa sa 3,000 manggagawa ng Pfizer at Wyeth sa bansa ang apektado.

“Itutuloy namin ang serye ng protesta hanggang sumang-ayon ang Wyeth Philippines na gumawa ng malinaw na terms of reference kasama ang mga manggagawa na magtitiyak sa trabaho at kikilala sa unyon sa pagbili,” sabi ni Ronald Sarmiento, opisyal ng WPPWU.

Sabi ni Sarmiento, dahil sa pagbil ng Pfizer sa Wyeth, nagbabanta ang maramihang tanggalan sa parehong kumpanya. Posible ring hindi kilalanin ang mga benepisyo sa Collective Bargaining Agreement at mismong mga unyon.

Hinikayat naman ni Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU, ang mga manggagawa ng dalawang kumpanya na magkaisa at lumaban para sa kanilang interes. Aniya, sa maraming kaso ng pagsasanib at pagbili ng mga kumpanya sa nakaraan, gumamit ang mga kumpanya ng mga taktikang mapanghati o divide and rule.

“Sa pamamagitan lang ng prinsipyadong pagkakaisa at militanteng sama-samang pagkilos nila maisusulong ang mga karapatan at interes nila. Aral iyan ng paglaban ng mga manggagawa sa nakaraang mga taon,” sabi ni Labog. ###

Reference Person: 
Ronald Sarmiento, Wyeth Philippines Progressive Workers Union officer
Contact information: 
0905-245-7622

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments