KMU, ginunita ang ‘1982 Black Friday,’ tinuligsa ang nagpapatuloy na diktadura kay Arroyo
Related posts
- KMU sa presidentiables: Katarungan para sa biktima ng martial law ni Gloria
- Hakbanging Con-Con para sa Cha-Cha ni Gloria, kinondena ng KMU
- De facto martial law ni Gloria, impyerno sa manggagawa
- Sa kabila ng pagtanggal sa martial law, Pasko, balisa pa rin
- Banta ng people power, hindi respeto kay Cory, ang pumwersa sa Palasyo na pumreno sa Cha-cha
Ginunita ngayon ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno ang ika-27 anibersaryo ng tinawag nitong “Black Friday” ng kilusang paggawa sa bansa.
Sa isang maikling programa, nag-alay ang mga manggagawa ng bulaklak sa marker ng yumaong lider-manggagawang si Crispin “Ka Bel” Beltran sa Plaza Miranda. Kasama si Beltran, at si Felixberto “Ka Bert” Olalia, dati ring tagapangulo ng KMU, sa daan-daang lider at aktibistang manggagawa na inaresto at ikinulong noong Agosto 13, 1982 sa ilalim ng diktadurang Marcos.
“Dalawampu’t pitong taon pagkatapos, nahaharap pa rin ang kilusang paggawa sa panunupil ng pasista at tiwaling rehimeng gustong patagalin ang sarili sa kapangyarihan. Ito ang halaga ng paggunita ngayong taon,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.
Sa harap diumano ng daan-daang kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa administrasyong Arroyo, kasama na ang pagpatay sa 92 lider at aktibista sa kilusang paggawa, sinabi ni Labog na katulad ng kasalukuyang administrasyon ang diktadurang Marcos. “Isa lang ang kaibahan: Nagdeklara si Marcos ng batas militar, si Gloria hindi – kaya mas masama dahil mas traydor ang rehimen niya,” sabi ni Labog.
Tinugunan din ni Labog ang sinabi ng isang think-tank na nakabase sa New York, na inilibing din ng paglibing kay dating Pang. Cory Aquino ang banta ng batas militar. Sabi niya, “malaking bigwas sa mga pakana ng rehimen ang tugon ng mga mamamayan. Pero sa harap ng masamang desperasyon ng rehimen, hindi tayo makatiyak. Hindi tayo pwedeng tumigil sa pagmamatyag,” sabi ni Labog.
“Inisip ng iba, halimbawa, na ititigil na ang tangkang baguhin ang Konstitusyon matapos mamatay at mailibing ni Cory. Pero winasak ng mga huling hakbangin sa Kongreso ang pag-asang ito. Patuloy pa rin sila,” paliwanag niya.
ILO Mission
Ikinatuwa rin ni Labog ang High-Level Mission sa Pilipinas ng International Labor Organization na gagawin sa Setyembre 21-30. “Ikinakatuwa namin ang misyong ito. Gusto naming mas malaman pa ng mga mamamayan ng daigdig at Pilipinas ang mga atakeng ala-Marcos na pinapawalan ng rehimeng ito laban sa kilusang paggawa,” sabi ni Labog.
“Sa pamamagitan lang ng militante at kolektibong pagkilos ng mga manggagawa at mamamayan mapipigilan ang isa pang batas militar. Pero kung itutulak pa rin ng rehimen ang masasamang pakana nito, kailangan nang wakasan ng mga manggagawa at mamamayan ang rehimeng ito,” dagdag ni Labog. #
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 9 hours ago - maam / sir
2 weeks 15 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 15 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 15 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed