Skip to main content

Banta ng tanggalan, nakaamba sa pagbili ng Pfizer sa Wyeth; Hakbangin ng dalawang kumpanya, babantayan ng KMU

Sa pagbili ng Pfizer Inc sa Wyeth, nagbabanta ang malawakang tanggalan sa mga manggagawa, na nasa 900 sa Wyeth at 800 sa Pfizer, sabi ng sentrong unyong Kilusang Mayo Uno.

Inanunsyo noong Enero ng Pfizer na pwedeng maganap ang pagbili sa presyong $68 bilyon sa dulo ng taon. “Sa mga manggagawa, posibleng ibig sabihin nito ang kawalang-trabaho at pagkansela sa collective bargaining agreement,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.

“Habang tinitiyak ng mga merger na patuloy na tumutubo ang manedsment, inilalagay nito ang trabaho ng mga manggagawa sa panganib, kadalasang gamit ang panakot na ‘redundancy’,” sabi ni Labog.

Sabi niya, babantayang maigi ng KMU ang mga pangyayari kaugnay ng pagbili at ng laban ng mga manggagawa sa posibleng mga paglabag sa mga karapatan.

“Suportado namin ang mga pagsisikap ng mga unyon sa Wyeth Philippines at Pfizer Philippines na ipagtanggol at isulong ang mga karapatan at interes nila sa harap ng pagbili,” sabi niya.

“Sinusuportahan namin ang laban nila para sa katiyakan sa trabaho, sa pagkilala sa mga unyon kapag nagsama na ang mga kumpanya, at sa pagkilala sa mga tagumpay nila sa mga collective bargaining agreement,” dagdag ni Labog.

Hinimok ng KMU ang mga manggagawa ng parehong kumpanya na mag-ugnayan, magkaisa at lumaban para sa kanilang mga interes. Ipinaalala rin nito ang panghahati ng mga kumpanya sa mga manggagawa sa naunang mga kaso ng pagbili at pagsasanib ng mga kumpanya.

“Hinihimok namin ang mga manggagawa na bantayan at gapiin ang mga iskema ng kumpanya para magpalaki ng tubo tulad ng maramihang tanggalan at pagbuwag sa unyon, sa pamamagitan ng pagsasanib,” sabi ni Labog.

“Sa pamamagitan lang ng prinsipyadong pagkakaisa at militanteng sama-samang pagkilos nila maisusulong ang mga karapatan at interes nila. Iyan ang aral ng pakikibaka ng mga manggagawa sa nakaraang mga taon,” dagdag niya.

“Binabalaan namin ang mga lokal at internasyunal na manedsment ng mga kumpanya: nagbabantay ang kilusang paggawa sa mga hakbangin ninyo.” ###

Reference Person: 
Elmer “Bong” Labog, KMU Chairperson
Contact information: 
0929-629-3234

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments