Kakayahang bumili ng Pinoy, nabawasan ng sangkatlo sa ilalim ni Gloria
Related posts
- Sa pagdoble ng yaman ni Gloria Agwat ng gastusin sa sahod, dumoble rin
- Juan, nasa ‘hungerland’ dahil sa kawalang-trabaho, bagsak na agrikultura – KMU
- 125 bago ang Hunyo 30: P125 dagdag-sahod, hinirit ng KMU, Anakpawis sa mga presidentiable
- Wage freeze, kalupitan sa manggagawa – KMU
- Sahod ng obrero, walang pinagbago mula noong huling Pasko
Sa taas ng bilihin at baba ng sahod
Kakayahang bumili ng Pinoy, nabawasan ng sangkatlo sa ilalim ni Gloria
(Pagtatasa ng mga manggagawa sa siyam na taon ni Gloria, una sa isang serye)
Dahil sa patakarang deregulasyon ng gobyerno at sa pagpataw ng Expanded Value-Added Tax, nakaltasan ng sangkatlo (1/3) ang kakayahang bumili ng manggagawang Pinoy. Kasabay nito, hindi pa rin pinapansin ng gobyerno ang panukalang batas sa kinakailangang dagdag-sahod, ayon sa sentrong unyong Kilusang Mayo Uno.
Gamit ang timeline ng Consumer Price Index na inilathala ng National Statistics Office, sinabi ng KMU na siyam na taon na ang nakakaraan, kailangan lang ng P63 para makabili ng mga paninda at serbisyong nagkakahalaga ngayon ng P100. “Ipinapakita nito ang papatinding pasanin ng mga manggagawa at mamamayan sa pagsapat sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan sa harap ng pagtaas ng mga presyo,” sabi ni Elmer “Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.
“Walang ginawa ang gobyernong Arroyo para protektahan ang mga manggagawa at mamamayan sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis at batayang mga bilihin. Sa halip, nagpatupad ito ng deregulasyon na nagpahintulot sa mga korporasyon na humamig ng malalaking tubo habang nagdurusa sa krisis ang mga Pinoy – lahat para lang mapangalagaan ang mga interes ng mga dayuhan at naghaharing uri,” ayon kay Labog.
“Halimbawa, dumoble ang presyo ng isang kilo ng bigas simula noong 2001 (mula P17 naging P35-40) dahil sa pagtindi ng pagsandig ng bansa sa pag-aangkat ng bigas, na dulot naman ng kawalan ng suporta ng gobyerno sa sektor ng agrikultura. Natriple naman ang presyo ng isang LPG na may bigat na 11 kilo dahil sa Oil Deregulation Law,” dagdag ni Labog.
Sinabi rin ni Labog na nakadagdag ang 12% E-VAT ni Arroyo sa pagliit ng kakayahang bumili ng mga Pilipino habang pinapayaman ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng taunang koleksyon sa buwis.
Sinabi rin niyang dumoble ang agwat sa pagitan ng minimum na sahod at nakabubuhay na sahod sa Metro Manila, mula P535 patungong P257 sa kabila ng P12 dagdag-sahod noong Agosto 2007 at P20 noong Mayo 2008, “malinaw na patunay na kagyat na kailangan ang P125 dagdag-sahod.”
“Matagal nang naggigiit ang mga manggagawa ng P125 dagdag-sahod sa buong bansa. Walang pakialam, gayunman, ang gobyerno at nagbibingi-bingihan sa lehitimong mga panawagan ng mga Pinoy na nahaharap sa pagkitid ng pagkakataong mabuhay dahil sa pagtaas ng mga presyo at patuloy na tanggalan sa trabaho. Ilang ulit nang napatunayan na hindi papataasin ng dagdag-sahod ang implasyon,” sabi ni Labog.
Ipinaliwanag din ni Labog na sa todong pagbebenta ng ekonomiya ng Pilipinas sa Cha-Cha ni Arroyo, magiging mas bulnerable ang mga manggagawa at mamamayan sa walang-ampat na pagtaas ng mga presyo at kaltas dahil sa todo-todong deregulasyon.
“Lalong pinagdurusa ng mga naggigiit ng pagtutulak sa Con-Ass ang mga manggagawa at mamamayan dahil sa malawakang pagsabotahe sa ekonomiya ng Pilipinas at pagpapatuloy ng masasamang patakarang pang-ekonomiya ni Arroyo.” ###
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 9 hours ago - maam / sir
2 weeks 15 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 15 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 15 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed