Planong dagdag-buwis, mariing kinondena ng KMU, Anakpawis
Error
Kinondena ng Kilusang Mayo Uno at Anakpawis Partylist ang pahayag ni Finance Secretary Margarito Teves ngayong araw na magdadagdag ng mga bagong buwis para tugunan ang lumalaking depisito sa badyet ng gobyerno.
Lumobo sa P123.2 Bilyon ang budget deficit noong nakaraang buwan, higit na mas malaki sa P18.8 B noong Mayo 2008.
“Huwag na huwag nilang tangkaing ipapasang muli sa mga mamamayan sa pamamagitan ng buwis ang kakulangan kuno ng gobyerno sa pondo,” ani KMU Chairperson Elmer “Bong” Labog.
“Ibinibigay ng gobyerno ang lahat ng eksempsyon sa buwis sa mga dayuhang korporasyon, tapos sa mga mamamayan sila babawi ng koleksyon ngayon? At ang 90 porsyento sa nakokolektang buwis, dinadala lang sa pambayad ng utang panlabas. May pondo ang gobyerno, mali lang ang paglalaan nito. Doble-dehado, doble-dedo na naman ang mga manggagawa at mamamayan dito,” ani Labog.
“Dahil sa sobrang pagpapakontrol sa mga dayuhang monopolyo, nababansot ang ekonomiya natin. Kaya nagkakandalugi ang mga lokal na negosyo, nagtatanggalan sa trabaho, at nagbabaratan sa sahod. Sa ganito kalugmok nang kabuhayan, napaka-walanghiya na talaga kung dadagdagan pa ang sinisingil na buwis sa mga mamamayan,” ani Labog.
“Sa plano pang Cha-Cha ni Gloria, pwedeng mangyari ang marami pang pagtataas ng buwis at mga presyo, dahil basta’t gustuhin ’yon ng mga dayuhang korporasyon, magagawa nila dahil magiging mas makapangyarihan pa sila kapag napatupad ang Cha-Cha.” ###
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
5 days 19 hours ago - The past employee who started
6 days 18 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
6 days 23 hours ago - Responsabile di global
1 week 1 day ago - Takahashi precedentemente
1 week 1 day ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 1 day ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed