Skip to main content

Planong Con-Ass sa SONA, “rebolusyonaryong gobyerno” para ipasa ang Cha-Cha, kinundena

KMU, Anakpawis naglunsad ng petisyon laban sa Cha-Cha

“Mamamayan pa rin ang mapagpasya para mabigo ang Cha-Cha at mga mapanganib na  pangarap ni Gloria.”

Ito ang tugon ng Kilusang Mayo Uno sa sari-saring lumulutang na maniobrang pinaplanong gawin ng rehimeng Arroyo para maituloy ang Cha-Cha. Kamakailan, nagpahayag ang malalapit na alipores nito na posibleng ang pagsasama-sama ng mga mambabatas sa State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo sa darating na Hulyo ay itransporma sa Constituent Assembly para sa baguhin ang ng Konstitusyon. Nariyan din ang pahayag tungkol sa pamumuno ni Gloria sa isa umanong “rebolusyonaryong gobyerno” kung saan titipon na lang siya ng mga tagapagbago ng konstitusyon upang hindi na hintayin pa ang pulong o boto ng kalakhan ng Senado.

“Lahat ay iniisip nang gawin ni Gloria para lang manatili sa kapangyarihan at hindi managot sa marami niyang kasalanan sa bayan. Kaya kailangang ibigay din natin ang lahat ng kaya nating gawin para ibasura ang Cha-Cha,” ani Nenita Gonzaga, KMU Vice President for Women.

Nagsimula nang mangalap ng pirma laban sa Cha-Cha ang mga manggagawa ngayong umaga sa Monumento LRT Station sa Caloocan. Pinangunahan  ang petition drive ng KMU, Anakpawis Partylist at Kilusang Manggagagawa ng Kababaihan (KMK).
 
“Todo-todo na tayo para pigilan ang pananalasa ng Cha-Cha virus. Di hamak na mas pa matindi ito kesa sa swine flu, dahil kahit linggu-linggo magka-swine flu at magsuspinde sa Kongreso, kaya pa rin nilang magmaniobra para sa Cha-Cha. Bukod pa diyan, mas marami ang maghihirap at mamamatay dahil sa Cha-Cha” ani Gonzaga.

Sa petisyon ng KMU at Anakpawis, inilalahad na ang Cha-Cha ay magbebenta ng 100% lupa at yaman ng bansa sa dayuhan, magpapahintulot sa mga pagpasok ng mga base-militar at armas-nukleyar, magpapadali sa pagdedeklara ng batas-militar, at magdudulot ng ibayong kahirapan at kawalang-kabuhayan sa mga manggagawa’t mamamayan. ###

Reference Person: 
Nenita Gonzaga, KMU Vice President for Women
Contact information: 
0928-279-4241

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments