Skip to main content

mula sa grupong STK (Samahan Laban sa Tanggalan at Kontraktwalisasyon):


Mga tinanggal, tatanggalin at kontraktwal, nagbuo ng samahan para ipagtanggol ang kanilang karapatan

Nagtipun-tipon ngayong hapon ang mga manggagawang tinanggal sa trabaho, nanganganib na matanggal, at matagal nang tinatali sa pagiging kontraktwal upang buuin ang Samahan Laban sa Tanggalan at Kontraktwalisasyon o (STK).

Kabilang rin sa mga pangunahing nagbuo ng samahan ang pambansang sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno (KMU), Kilusang Manggagawa ng Kababaihan (KMK), Pro-Labor Legal Assistance Center (PLACE), at iba’t ibang pederasyong pang-manggagawa.

Layunin ng samahan na ipagtanggol ang karapatan ng mga manggagawang tinanggal at kontraktwal sa harap ng tumitinding krisis pang-ekonomiya.

“Nagsasabwatan ang mga negosyante’t gobyerno para lalong pang pagsamantalahan ang mga manggagawa sa gitna ng krisis,” ani Gilda Sumilang, tagapagsalita ng STK.

“Ginagamit nilang dahilan ang krisis para basta basta na lang magtanggal. Ang iba naman ay nagkakaroon ng palusot para lalo pang hindi mag-regularisa, o mag-empleyo lang ng kontraktwal. Ang iba naman ay nagpapatupad ng bawas-sahod, forced leaves, at iba pang labor flex na iskema.

“Pero sa katotohanan, lalo lang lumalaki ang kita ng malalaking negosyante dahil sa ganitong mga polisiya. Habang lalo namang nasasadlak ang kabuhayan ng mas maraming manggagawa,” ani Sumilang.

Lahat ng manggagawang tinanggal at kontraktwal ay maaring sumapi sa STK. Magsisikap itong makapag-buo ng pormasyon sa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan at sa Pilipinas upang maabot ang mas maraming manggagawa.

(Tingnan ang brochure ng STK para sa iba pang impormasyon).

Reference Person: 
Gilda Sumilang
Contact information: 
STK Spokesperson

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

By submitting this form, you accept the Mollom privacy policy.

Recent comments