KMU ipinababasura ang plano ng SSS na hindi pautangin ang mga natanggal na manggagawa
Related posts
- KMU kinundena ang pagkurakot sa pondo ng SSS; Benepisyong pang-manggagawa higit na kailangan sa panahon ng tanggalan at krisis
- Bail out plan, stimulus package, mga tugon ni Arroyo sa tanggalan: pampalala lang ng krisis – KMU
- P100-M SSS typhoon aid: miyembro wala, Gloria tiba-tiba
- Pagpapawalang-bisa sa SSS penalties ng mga kapitalista, kinastigo ng KMU
- KMU kay Gloria: Huwag gawing panangga si Neri, harapin mo ang mga kaso
Sinugod ng Kilusang Mayo Uno ang pambansang tanggapan ng SSS ngayong umaga upang magpiket at ipahayag ang mariing pagtutol sa desisyon ni SSS President Romulo Neri na hindi na pahihintulutang makapag-loan ang mga manggagawang natanggal sa trabaho.
“Ngayon pa na kailangang-kailangan ng lehitimong tulong ng mga natatanggal sa trabaho, saka magpapakulo si Neri ng pagbabawal na manghiram ang manggagawa sa ‘pondong panseguridad’ niya?” ani Roger Soluta, KMU Deputy Secretary General.
“Nagawa nga ni Neri na ipangako ang P12.5 bilyong pondo ng SSS para sa ‘economic stimulus package’ ni Gloria, ano’ng karapatan niyang ipagkait sa manggagawa ang pondong ito? Pera itong pinagpawisan ng mga obrero, at wala itong ibang dapat na mapuntahan kundi tulong para sa mga obrero.”
Binanggit din ni Soluta na kalimitan pa nga’y hindi nireremit ang SSS ng maraming manggagawa gayong kinakaltas ito sa kanilang mga suweldo.
“Itong mga hindi na nareremitang SSS ang pagtuunan nila ng pansin kung paano makokolekta mula sa mga malalaking negosyante, hindi iyong mga manggagawang nahihirapang makapagbayad ng loan ang lagi nilang sinisi sa lumiliit na raw na pondo ng SSS.”
Tinuligsa rin ng KMU ang mapagpanggap na pahayag ng Malakanyang na humihingi ng ‘klaripikasyon’ hinggil sa plano ni Neri.
“Nagkukunwari pa ang Malakanyang na may pakialam sa pondo ng manggagawa, pero ang totoo ay gusto lang nitong matiyak ang P12.5 bilyong SSS fund na naipangako na ni Neri para sa economic package ni Gloria. Tiyak na kukurakutin lang ang bilyones na ito at mapupunta hindi sa pagpapaunlad ng ekonomiya kundi sa mga politikal na ambisyon nila,” ani Soluta. ###
Add comment
Recent comments
- The most Filipino workers,
2 days 9 hours ago - maam / sir
2 weeks 15 hours ago - Kumusta na po ba si Athea
2 weeks 3 days ago - Kayo pulo salita. Wala kawa.
2 weeks 3 days ago - By watched this article, I
3 weeks 15 hours ago - Revelation 13:16 to 18
16.
3 weeks 15 hours ago - The SC decision is final and
3 weeks 1 day ago - really?...but on the other
3 weeks 3 days ago - Solidarity from New Zealand
4 weeks 2 days ago - Tama ka dyan mga mandadamay
4 weeks 3 days ago
Most discussed