Skip to main content

Moratoryum sa dagdag sahod, mas magpapahirap pa sa manggagawang binibiktima na ng krisis - KMU

Error

The selected file /home/kmuorg/public_html/tmp/filefw2bng could not be copied.

BALITA
Pebrero 10, 2009

Moratoryum sa dagdag sahod, mas magpapahirap pa sa manggagawang binibiktima na ng krisis - KMU

KINONDENA ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang plano ng Malakanyang na ipatupad ang wage increase moratorium o moratoryum sa pagtataas ng sahod para sa mga manggagawa dahil daw sa nararanasang krisis pampinansyal ng mundo, kabilang na ang Pilipinas.

Ayon kay KMU Spokesperson Prestoline Suyat, mas dapat pa ngang itaas ang sahod ng manggagawa sa ngayon dahil sa krisis, lalo na’t dito lamang sila umaasa at kanilang pamilya upang mabuhay.

“ Mas kinakailangan namin sa ngayon ang dagdag sahod dahil sa totoo lamang ay napakababa na ng sahod lalo na’t ikukumpara mo ang tunay nitong halaga (real value) sa nominal nitong halaga (nominal value). Sa NCR lamang, batay sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) ang P382 na nominal minimum wage ay may purchasing power lamang na P246.77 sa kasalukuyan. Ang cost of living ay mahigit P900 na upang mabuhay ng disente ang pamilya ng manggagawang may anim na miyembro, “ sabi ni Suyat.

Idinagdag din ni Suyat na sa panahon ng krisis kung kalian sinasamantala ito ng mga mandarayang negosyante, higit ang kailangan nilang pera para panggastos.
“ Halimbawa na lamang na sa ngayon ay inutil ang gubyernong Macapagal-Arroyo na pigilan ang pagsirit ng presyo ng LPG dahil sa kasakiman ng mga dambuhalang korporasyon ng langis. Kapag walang pagtataas ng sahod at tuluy-tuloy naman ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, saan kami kukuha ng dagdag panggastos? Mabuti ang mga kapitalista at sobra-sobra ang pera nila, may ari-arian at alahas silang pwedeng ibenta kung mauubusan sila ng cash. Kami, wala kundi ang maging biktima ng mga pautang na 5-6 at bawasan ng dalawang beses ang pagkain sa isang araw upang makapasok muli sa trabaho kinabukasan,” diin ni Suyat.

Ipinaliwanag din ni Suyat na halos lahat ng rekomendasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Malakanyang upang hindi umano magtuloy ng tanggalan ng trabaho ay tumutungo sa pinasahol na pleksibleng paggawa.

“ Magiging mas dehado pa kami lalo na’t ipinapatupad ang pinasahol na labor flexible arrangements tulad ng reduced work hours, pinakonting work shifts, work rotation, broken time at iba pa. Lahat ito’y nangangahulugan ng pagkonti ng kita naming mga manggagawa. Makonsensiya naman sila kung babawasan pa ang sahod namin sa halip na dagdagan, “ sabi ni Suyat.

Inirehistro rin ni Suyat na mas kailangan ngayong maipasa ang P125 bill o ang panukalang batas na nakapahapag sa Kongreso para sa P125 dagdag na sahod, across-the-country, across-the-board. ###

Reference Person: 
KMU Spokesperson Prestoline Suyat
Contact information: 
0915-6029211

Add comment

The content of this field is kept private and will not be shown publicly.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Allowed HTML tags: <a> <b> <address> <blockquote> <br> <caption> <center> <code> <dd> <del> <div> <dl> <dt> <em> <font> <h2> <h3> <h4> <h5> <h6> <hr> <i> <img> <li> <ol> <p> <pre> <span> <strong> <sub> <sup> <table> <tbody> <td> <tfoot> <th> <thead> <tr> <u> <ul> <tr>

More information about formatting options

Type the characters you see in this picture. (verify using audio)
Type the characters you see in the picture above; if you can't read them, submit the form and a new image will be generated. Not case sensitive.

Recent comments