DOLE, malalaking negosyante, ginamit lang ang krisis para i-institusyonalisa ang labor flex
Error
Related posts
- Mga manggagawa nagpiket at nakipag-dayalogo sa DOLE
- Dagdag sahod at huwag eleksyon ang atupagin ng mga mamababatas ngayong bakasyon – KMU
- Proteksyon sa nanganganib matanggal, rebyu ng kaso ng mga tinanggal, giniit ng KMU sa DOLE
- mula sa grupong STK (Samahan Laban sa Tanggalan at Kontraktwalisasyon):
- KMU kinundena ang pagkurakot sa pondo ng SSS; Benepisyong pang-manggagawa higit na kailangan sa panahon ng tanggalan at krisis
Kinundena ng Kilusang Mayo Uno ang Department of Labor at ang mga inihaing resolusyon sa ipinatawag nitong “tri-partite” summit hinggil sa krisis sa trabaho noong biyernes, na nagsusulong ng mga labor-flex schemes
Sa isang pressconference sa pambansang tanggapan ng KMU ngayong araw, sinabi ni KMU Chairperson Elmer Labog na “Ang mga pamamaraang inihahapag ng DOLE at mga malalaking kapitalista bilang mga tanging solusyon umano sa tanggalan ay pawang pambabarat lang sa manggagawa at pagpapalaki pa ng kanilang bulsa sa panahon ng krisis.
Ang mga sumusunod ang ilang napag-usapang pamamaraan sa DOLE summit: compressed work week, reduction of workdays, rotation of workers, broken time-schedules, forced leave, at flexi-holidays.
“Dati na namang ginagawa ng mga negosyante ang mga ito. Sa esensya, sinamantala lang nila ang matinding krisis para i-institusyonalisa ang mga ito.
“Mula noon pa man, manggagawa na ang namamaluktot sa kumot at naghihigpit ng sinturon. Kaya wag na wag nila kaming sasabihan ng konting tiis lang!”
Dagdag pa ni Labog, “Sa totoo lang, malaking kasinungalingan ang sinasabi ng mga dambuhalang negosyante na ang iba’t ibang labor flex lang ang tanging magagawa nila para hindi magtanggal ng mga manggagawa. Patuloy silang kumikita ng malaki at kayang-kaya pa nga nilang magdagdag ng sahod, bagay na dapat lang makuha ng nasasadlak nang manggagawa.”
Ayon mismo sa ulat ng ilang malalaking kumpanya kung saan may unyon ang KMU, tumabo ang San Miguel Corporation hanggang 3rd quarter ng nakaraang taon ng P20.9 bilyong kita, at tumaas pa ito ng 200 porsyento 2007. Ang PLDT ay nag-ulat din ng P27.8 bilyong kita, na 5 porsyentong mas malaki kaysa kita nito noong 2007. Ang SM Prime Holdings ay nag-ulat ng kitang P4.93 bilyon.
Dinudukot, hinaharass pa ang manggagawa
Kinundena rin ni Labog ang ilegal na paghuli at pagkulong ngayong araw kay Leonardo Arceta, kasapi Organized Labor in Line Industries and Agriculture (Olalia) sa Southern Tagalog. Nauna nang kinasuhan ng gawa-gawang kaso at hinuli ang anim na lider ng iba’t ibang progresibong organisasyon mula sa Southern Tagalog, kasama ang KMU Chief Legal Counsel na si Atty. Remigio Saladero Jr.
“Sa gitna ng tanggalan, pambabarat, at pagsasamantala sa manggagawa, marahas pang pinatatahimik ang mga lehitimong lumalaban.
“Patong-patong na ang mga kasalanan nila sa amin, nasa amin lahat ng dahilan para maningil,” ani Labog.
Piket, dialogue sa DOLE
Inanunsyo sa presscon ang piket na pangungunahan ng KMU sa punong tanggapan ng DOLE bukas, Martes, alas-dyis ng umaga.
Pumayag na rin sa isang dayalogo bukas sa parehong oras ang ilang punong opisyal ng DOLE.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
6 days 1 hour ago - The past employee who started
1 week 39 min ago - Inseparabile Doudoune Moncler
1 week 5 hours ago - Responsabile di global
1 week 2 days ago - Takahashi precedentemente
1 week 2 days ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - Ieri nel determinare la Zoom
1 week 2 days ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 5 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 5 days ago
Most discussed