Pinagpugayan ng Kilusang Mayo Uno ang yumaong lider-manggagawa, mamababatas para sa maralita, at “makabagong Andres Bonifacio” na si Crispin ‘Ka Bel’ Beltran sa kanyang ika-76 na kaarawan ngayon. read full article »
Balita
Sa ika-76 kaarawan ni Ka Bel: Mga halimbawa niya ang kailangang ipaglaban sa gitna ng talamak na katiwalian sa pamahalaan - KMU
Submitted by KMU on Wed, 2009/01/07 - 12:42pm.Mga balik-trabahong mamamayan sinalubong ng KMU sa isang bagong taon ng ibayong hamon, pag-asa, paglaban
Submitted by KMU on Mon, 2009/01/05 - 3:01pm.Sinaluduhan ng Kilusang Mayo Uno ang milyun-milyong mamamayan na magbabalik-trabaho sa araw na ito ng panibagong taon.
“Tayong mga manggagawa ang tunay na lumilikha ng yaman ng lipunan. Tayo ang mapagpasya sa kung ano ang gusto nating mabago at mangyari sa ating lipunan,” pahayag ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU. read full article »
Pananahimik ni Labor Sec Marianito Roque sa nagaganap na panunupil at pamamaslang sa kilusang paggawa, binatikos ng mga obrero
Submitted by KMU on Tue, 2008/11/25 - 12:56pm.NAGPIKET ngayong umaga ang mga manggagawa sa ilalim ng Kilusang Mayo Uno (KMU) sa harap ng gusali ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang singilin ang pananahimik nito sa nagaganap na tumitinding panunupil sa kilusang paggawa. read full article »
Kagyat na pagpapalaya sa batikang abogado ng manggagawa at bayan, hiniling
Submitted by KMU on Fri, 2008/10/24 - 1:16pm.Pag-aresto sa KMU Chief Legal Counsel, kinondena
KINONDENA ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang gestapo na pag-aresto kay KMU Chief Legal Counsel Remigio Saladero Jr. kahapon ng mga pulis at militar sa kanyang bahay sa Antipolo.
Ayon kay Elmer ‘Ka Bong’ Labog, tagapangulo ng KMU, matapos na hindi lumusot ang gawa-gawang kasong arson at pagpapasabog sa Globe cellsite sa Batangas noong Agosto 2 na ibinibintang kay Atty. Saladero, kinakasuhan naman siya ngayon ng multiple murder at frustrated murder sa Mindoro.
Malawakang kilos-protesta sa buong Kamaynilaan, ipuputok ng lalong naghihirap at nagugutom na taumbayan sa Agosto 28
Submitted by KMU on Tue, 2008/08/26 - 1:46pm.MAHIGIT sa isang dosenang lugar sa buong Kamaynilaan ang kakalampagin ng protesta sa Agosto 28 upang ipinawagan sa gubyernong ang isang malaking bagsak ng rolbak sa presyo ng produktong petrolyo, pagsasabatas ng P125 dagdag na sahod at pagtatanggal ng VAT sa langis at kuryente. read full article »
Work stoppage sa libing ni Ka Bel, hiniling ng KMU bilang akmang pagpupugay ng mga manggagawa sa dakilang lider-manggagawa
Submitted by KMU on Sat, 2008/05/24 - 10:42am.NANAWAGAN ang militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayong araw sa lahat ng manggagawa sa buong bansa na pansamantalang tumigil sa trabaho o mag-work stoppage sa Mayo 28, Miyerkules, sa araw ng libing ni KMU Chairman Emeritus Crispin “Ka Bel” Beltran, bilang pagkilala at pagsaludo sa naiambag niya sa pagsulong ng kilusang paggawa sa bansa. read full article »
Pananagutan ng gubyernong Macapagal-Arroyo ang pagbagsak ng pangangatawan ni Ka Bel na naging dahilan ng kanyang pagka-aksidente
Submitted by KMU on Wed, 2008/05/21 - 1:14pm.Ilegal na pag-aresto at pagdetine ng mahigit isang taon
SININGIL ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) ngayon ang gubyernong Macapagal-Arroyo sa mahigit isang taong pagkakulong ng yumaong si Cong. Crispin ‘Ka Bel’ Beltran na dahilan ng mabilis na pagbagsak at panghihina ng kanyang katawan kung kaya’t naaksidente siya kahapon ng umaga. read full article »



