Mga balik-trabahong mamamayan sinalubong ng KMU sa isang bagong taon ng ibayong hamon, pag-asa, paglaban
Error
Related posts
- Wage freeze, kalupitan sa manggagawa – KMU
- Bagong taong walang trabaho,’ ipinrotesta ng obrero ng North Harbor
- Mas masahol na krisis, nakaamba sa obrero dahil sa patuloy na kawalan ng disenteng trabaho – KMU
- Sa paggunita sa ika-22taon ng Mendiola Massacre: Wala pa ring tigil ang pag-massacre sa mga magsasaka’t manggagawa – KMU
- K-12: dagdag-bayarin, dagdag-pasanin – KMU
Sinaluduhan ng Kilusang Mayo Uno ang milyun-milyong mamamayan na magbabalik-trabaho sa araw na ito ng panibagong taon.
“Tayong mga manggagawa ang tunay na lumilikha ng yaman ng lipunan. Tayo ang mapagpasya sa kung ano ang gusto nating mabago at mangyari sa ating lipunan,” pahayag ni Elmer Labog, tagapangulo ng KMU.
“Haharapin natin ang bagong taon na ito na puno ng pag-asa, pagkilos, at sigasig na harapin ang papalalang atake sa ating hanay. Sa pagtindi ng pandaigdigang krisis pampinansya, lalaong titindi ang kawalan ng trabaho, kawalan ng seguridad sa trabaho, pang-aabuso sa paggawa, pambabarat sa sahod at benepisyo, at iba pang maniobra ng mga kapitalista para lang ipa-pasan sa manggagawa ang krisis na likha nila.”
Noong nakaraang taon, may 159,000 na naitalang nawalan ng trabaho sa manufacturing sector, 10,000 sa transport, storage at communication sector, at 4,000 sa financial intermediation sector.
Tinulgsa rin ni Labog ang mga kamakailang pahayag ni Labor Secretary Marianito Roque na malabo nang magkaroon ng dagdag sahod para sa mga manggagawa, at inaasahan na ang maramihang tanggalan sa trabaho.
“Huwag namang pababain ni Sec. Roque ang moral ng mga manggagawa sa pagpasok ng bagong taong ito. Mag-ingat siya sa kanyang mga sinasabi, at lalo sa kanyang mga gagawin, dahil ang mga pahayag niyang nangunguna sa pagpapabagsak pang lalo ng kalagayan ng mga manggagawa sa taong ito ay tiyak na ikasasama ng loob, at ikagagalit, ng hanay namin,” ani Labog.
“Ngunit anuman ang mangyari, buong-buong haharapin ng KMU ang mga banta sa hanay ng mga manggagawa, ipaglalaban ang konkretong hakbanging magtatanggol sa karapatan ng mga manggagawa sa gitna ng lalong pag-iipit sa kanila sa pagtindi ng krisis.”
Binaggit ni Labog ang ilang mayor na itataguyod ng KMU sa taon gaya ng pagpapapasa sa P125 dagdag na sahod, pagpapalaya sa mga nakabilanggong lider-manggagawa, at pagtatayo ng mas maraming unyon.
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
1 day 18 hours ago - The past employee who started
2 days 17 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
2 days 21 hours ago - Responsabile di global
4 days 22 hours ago - Takahashi precedentemente
4 days 22 hours ago - Lanciato Nike Kobe VII
4 days 22 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
4 days 22 hours ago - Ieri nel determinare la Zoom
4 days 22 hours ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 23 hours ago - aigres aucune att la glace à
1 week 23 hours ago
Most discussed