Akbayan, DOJ at Malakanyang-COCIS nagsasabwatan
Error
2007/02/16 - 2:36pm
Pakanang diskwalipikasyon sa mga progresibong Party List, tututulan ng mga manggagawa
Sinabi ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na nagsasabwatan ang Malacanang, Department of Justice (DOJ) at ang Akbayan Party List na nagtutulak sa diskwalipikasyon ng mga progresibong partido politikal na Bayan Muna, Anakpawis at Gabriela Womens Party.
Ayon sa grupo ng mga manggagawa, pareho na ng estilo ang administrasyong Arroyo at kampo ng Akbayan na gumagawa ng mga desperado at maruruming taktika para isabotahe ang mga katunggali nila sa eleksyon. “Mangingibabaw ang boses ng mayorya sa maruming pulitikang pinapairal ng Malakanyang at Akbayan.”
“Gaya ng DOJ at Malakanyang, sobrang natatakot ang Akbayan na muling makaupo sa Kongreso ang mga tunay na kinatawan ng mamamayan. Hindi kami nagtataka kung pareho na ang sinasabi ngayon ni DOJ Secretary Raul Gonzales at ng mga taga Akbayan. Tatanungin namin sina Rep. Etta Rosales at Rep. Risa Hontiveros, ano ba ang nagawa ninyo para sa mga manggagawa at mahihirap? Sa nagdaang anim na taon nila sa Kongreso, walang nakuhang pakinabang ang mga manggagawa sa kanila,” giit pa ni KMU Chairperson Elmer Labog.
Ayon kay Labog, walang mga batayan at ebidensya ang Akbayan para idiin ang mga progresibong Party List sa “Bongabon Massacre” na ibinibintang ng Akbayan sa New Peoples Army. “Walang ibang alam gawin ang Akbayan kundi pagbintangan ang mga progresibong grupo na mga ‘communist front.’
Sinabi pa ng KMU na posibleng inutusan ng Cabinet Oversight Committee on Internal Security (COCIS) ang Akbayan na isampa ang petisyon para diskwalipikasyon ng mga progresibong Party List. Direktang nasa ilalim ng COCIS ang DILG at PNP na humahawak ngayon sa kaso ng Bongabon Massacre.
“Walang karapatan ang Akbayan na gamitin ang isyu ng political killings para isulong ang kandidatura nila sa Party List Election,” ani pa ni Labog.
Nanindigan ang KMU na idedepensa nito ang Anakpawis Party List at iba pang progresibong partido na Bayan Muna at Gabriela Womens Party
Sinabi ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na nagsasabwatan ang Malacanang, Department of Justice (DOJ) at ang Akbayan Party List na nagtutulak sa diskwalipikasyon ng mga progresibong partido politikal na Bayan Muna, Anakpawis at Gabriela Womens Party. Ayon sa grupo ng mga manggagawa, pareho na ng estilo ang administrasyong Arroyo at kampo ng Akbayan na gumagawa ng mga desperado at maruruming taktika para isabotahe ang mga katunggali nila sa eleksyon. “Mangingibabaw ang boses ng mayorya sa maruming pulitikang pinapairal ng Malakanyang at Akbayan.”
“Gaya ng DOJ at Malakanyang, sobrang natatakot ang Akbayan na muling makaupo sa Kongreso ang mga tunay na kinatawan ng mamamayan. Hindi kami nagtataka kung pareho na ang sinasabi ngayon ni DOJ Secretary Raul Gonzales at ng mga taga Akbayan. Tatanungin namin sina Rep. Etta Rosales at Rep. Risa Hontiveros, ano ba ang nagawa ninyo para sa mga manggagawa at mahihirap? Sa nagdaang anim na taon nila sa Kongreso, walang nakuhang pakinabang ang mga manggagawa sa kanila,” giit pa ni KMU Chairperson Elmer Labog.
Ayon kay Labog, walang mga batayan at ebidensya ang Akbayan para idiin ang mga progresibong Party List sa “Bongabon Massacre” na ibinibintang ng Akbayan sa New Peoples Army. “Walang ibang alam gawin ang Akbayan kundi pagbintangan ang mga progresibong grupo na mga ‘communist front.’
Sinabi pa ng KMU na posibleng inutusan ng Cabinet Oversight Committee on Internal Security (COCIS) ang Akbayan na isampa ang petisyon para diskwalipikasyon ng mga progresibong Party List. Direktang nasa ilalim ng COCIS ang DILG at PNP na humahawak ngayon sa kaso ng Bongabon Massacre.
“Walang karapatan ang Akbayan na gamitin ang isyu ng political killings para isulong ang kandidatura nila sa Party List Election,” ani pa ni Labog.
Nanindigan ang KMU na idedepensa nito ang Anakpawis Party List at iba pang progresibong partido na Bayan Muna at Gabriela Womens Party
Add comment
Recent comments
- That's a smart way of
5 days 18 hours ago - The past employee who started
6 days 17 hours ago - Inseparabile Doudoune Moncler
6 days 22 hours ago - Responsabile di global
1 week 1 day ago - Takahashi precedentemente
1 week 1 day ago - Lanciato Nike Kobe VII
1 week 1 day ago - Ieri nel determinare la Zoom

1 week 1 day ago - 2011 Le? E che tu pensions
1 week 4 days ago - aigres aucune att la glace à
1 week 4 days ago
Most discussed